“HINDI ako makapaniwala sa sinasabi mo, Khara. Hindi ko talaga inaasahan na ang katulad ni Lander na isang mabuting asawa makakagawa ng ganoon sa iyo? At ang masakit pa sarili mo pa talagang kapatid ang umahas sa asawa mo!” nanggagalaiting sambit ni Mildred sa kanya. Nasa loob sila ng pamamahay nila ni Lander. Minabuti niya na manatili dito habang hinihintay niya ang subpoena nina Lander at Katarina. “Akala ko nga rin mabuti siyang tao, Mildred. Ayoko nga rin sana na ikuwento ito sa iyo pero sinagad na nila ang kabaitan ko. Ayoko ng iskandalo, Mildred, alam mo iyan. Ngunit hindi ko na kaya pang tapak-tapakan na lamang nila ang pagkatao ko dahil lang tahimik ako at wala akong ginagawa.” “Kung sinabihan mo ako kaagad baka nakalbp ko na si Katarina at ang hayop na asawa mo baka naipabugbog

