“Khara!” sigaw ni Lander habang nasa loob siya ng kulungan. Niyugyog niya ang rehas na hawak-hawak niya nang mahigpit habang nakatingin dito kasama ang babaeng attorney na pamilyar sa kanya. Hindi siya p’wedeng magkamali dahil pinsan iyon ni Daimon. Nakikita niya iyon noong nagpupunta siya sa bahay ng kanyang Ina noong binata pa siya. “Manahimik ka diyan kulang na kulang pa iyang kabayaran sa kahayupang ginawa mo sa akin!” mariing sabi naman ni Khara sa kanya. Matalim pa siya nitong tinignan. “Sa susunod na linggo ang trial ng kasong isinampa natin sa korte, Khara. Inihanda ko na ang annulment papers ninyo ni Lander dahil magpa-file na rin tayo ng petition for annulment. Wala na siyang magagawa kun’di pumirma sa annulment ninyo, Khara. Mabigat ang concubinage na isinampa mo sa kanya at

