“PALAGING malalim ang iniisip mo, Lander. Kahapon ko pa napapansin na palagi kang malungkot.Palagi kang nagkukulong dito sa bahay mo. Wala ka ring ganang kumain. Mula nang makalaya ka puro na lang alak ang nakikita kong hawak mo. Hindi mo man lang makarga ang anak mo. Baka naman magkasakit ka niyan. Alalahanin mo sana si JayR, kailangan din niya ng ama na mag-aaruga sa kanya." Binalingan ni Lander ang kanyang Tita Isabel at saka muling uminom sa hawak niyang beer. Kahit na ginawa niyang tubig ang alak ay palagi pa ring si Khara ang nasa isip niya. Hindi ito mawala at palaging mukha nito ang nakikita niya tuwing pumipikit siya. Miss na miss na niya ang kanyang asawa. “Hindi na lang dapat ninyo ako piniyansahan, Tita. Mas mabuting makulong na lang ako doon kaysa nandito ako sa labas pero g

