NAPAILING si Daimon habang nakatingin sa bintana ng kuwarto niya. Kung saan makikita niya ang paglalakad palayo ng kanyang magaling na kapatid. Nakalaya na pala ito nang hindi niya alam. Tsk! Naiinis si Daimon sa nangyayari. Nasisiraan na yata ng bait ang kanyang kapatid! Nagtungo na siya sa banyo para maligo dahil ngayong araw ang flight niya papunta ng Thailand. Hindi sumasagot si Khara sa kanya sa whats app nito. Hindi naman niya alam ang number ng mga kaibigan nito. Nagsuot ng puting long sleeves si Daimon at ipinatong niya ang itim niyang suit. Nagsuot din siya ng black na pants at saka tinignan ang sarili sa salamin. Naglagay siya ng wax sa kanyang buhok at inayos lamang iyon gamit ang kanyang kamay. Naligo siya nang pabango at isinuot ang leather slip on black shoes niya. Muli s

