“BAKIT ka ba talaga nandito?” muling tanong ni Khara sa kanya. Nagsasalita ito pero hindi naman tumitingin sa kanya. “Para magpaliwanag. Gusto kong sabihin sa iyo na nagkakamali ka ng iniisip tungkol sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa atin.” Nilingon siya ni Khara na may luha ang mga mata. “Niloko mo ako.” Umiling siya rito at muling bumuga nang malalim. “Wala akong ginagawang masama, misis ko. Hindi kita niloko. At lalong-lalo na hindi kita ipinagpalit sa iba. Alam mo naman kung gaano kita---” “Sino iyong babaeng kayakap mo? Sino si Rina? Bakit palagi kang nasa Exodus Bar? Bakit palagi mong hinahatid-sundo si Rina?” Nabigla siya sa sinabi ni Khara. Ngunit napangiti siya at hindi niya mapigilan na tumawa. Kumunot naman ang noo nito sa inasal niya. “Tinawanan mo ba ako da

