“TALAGANG alam na alam ninyo na nakauwi na ako, a,” nakangiting sabi ni Daimon sa mga kaibigan niya. Nasa garden ang mga ito at may dalang black label na alak at saka chicharong bulaklak. “Syempre naman alam na alam ko ang oras ng uwi mo dahil ako ang nag-book ng ticket mo.” Inakbayan siya kaagad ni Seth. “Kumusta ang one week? Nakatira ka ba ng tres?” pang-aasar nito sa kanya. Nakaupo naman si Dave at ngumunguya ng chicharon. Para itong walang pakialam at mukhang hindi natutuwa. “Hindi lang tres, bro. Sandali lang, kunin ko lang iyong bag ko.” Bumitaw sa pagkaka-akbay sa kanya si Seth. Nagtungo naman si Daimon sa loob ng bahay niya at kinuha ang travel bag niya sa sofa. Inalis na niya roon ang mga marurumi niyang damit at isinalang na ang lahat sa washing machine. Maliban sa panty ni

