“ANG dami mong pasalubong, a. Baka mag-excess baggage ka niyan?” masaya ngunit may pag-aalalang tanong sa kanya ni Brenda. Uuwi siya ngayon sa Pilipinas dahil na-approve ang two weeks vacation niya. Holiday season na kasi at uuwi siya para mag-spend ng pasko at new year kasama ang kanyang pamilya. At susurpresahin na rin niya si Daimon. “May naipon akong pera dito, Brenda. Kapag sumobra ako sa timbang, babayaran ko na lang. Pero sa tingin ko naman hindi ako sumobra dahil wala pa yatang thirty kilo lahat ‘to.” Puro lang naman chocolates, mga damit at pabango ang iuuwi niya para sa mga kapatid niya at sa kanyang stepmother. May binili din siya para kay Daimon. Isang importanteng bagay na gusto niyang ibigay dito. “Mag-iingat ka ha. Ako bukas pa sa susunod na araw pa ako uuwi dahil kasaba

