NAKITA ni Travis Rigor na ngumisi si Marvin. “Mahusay siyang magturo sa akin kung paano laruin ang mga tao sa paligid .” Humalakhak si Belinda. Hinampas sa balikat si Marvin. “You’re bad! Kinupkop ka niya at pinalaki, baka nakakalimutan mo.” “Malaki ang utang na loob ko sa kanya pero hindi ako makatanggi sa utos ng mahal kong reyna,” wika ni Marvin na pinindot ang tungki ng ilong ng kanyang asawa. “Lahat ay handa kong gawin para sa iyo.” “Good!” Muli na naman nanlisik ang mata ni Marvin. Sinakal ang kanyang asawa. “Mahal na mahal kita, to the point na nakipagsabwatan ako sa iyo para patayin ang tao na tinururing kong kapatid, kaya subukan mo lang na pagtaksilan ulit ako para dahil hindi lang iyan ulit ang aabutin mo sa akin. Walang pwedeng umangkin sa iyo, ako lang!” “Yes, Darling. I