“HINTO!” utos ni Jean sa driver ng truck. Kinailangan pa niya ito tutukan ng baril pati na ang dalawang pahinante dahil nang makalayo at makatakas sila kina Rolan ay gusto ng mga ito na huminto sa presinto ng pulis para isumbong ang nangyari. Mapapahamak siya kung hindi niya pipigilan ang mga ito kaya ginamit na niya ang baril na naagaw niya mula kay Rolan.
Mag-a-alas dos na ng madaling araw. Wala ng tao sa kalsada. Halos wala na rin silang makasalubong na sasakyan sa daan. Inutusan niya ang driver na tahakin ang daan palabas ng Maynila para mailigaw ang mga ito. Hindi pwede na ipahinto niya ang truck malapit sa bahay nila. Ayaw niya na mapahamak ang kanyang pamilya at madamay sa sitwasyon na kinasusuungan niya.
“Babarilin ko oras na may gagalaw sa inyo!” sabi niya na binuksan na ang pinto ng truck.
Hinakbang na niya pababa ang paa nang makitang gumalaw ang isa sa pahinante sa pagkataranta niya ay nakalabit niya ang gatilyo ng baril. Naranta ang lahat ng nasa truck. Napasigaw. Nagsisiksikan. Mabuti na lang at walang natamaan.
“Patawad! Sorry!” aniya na nanginginig.
Nang tuluyan na siyang makababa ay kaagad na humarurot palayo ang truck. Ayaw niya sana takutin o paputukan ng baril ang mga ito dahil sa kabilang banda ay malaki ang naitulong ng mga ito para maisalba siya mula sa grupo nina Rolan. Pero dala ng labis na pagkatuliro ay inakala niya na lalaban ang isa sa pahinante nang gumalaw ito kaya nakalabit niya ang gatilyo.
Matapos ang tanawin ang papalayo truck ay napatingin siya sa paligid. Hindi niya alam kung nasaan na siya. Madilim. Tanging liwanag lang na nagmumula sa poste ang nagsisilbing liwanag. Naaninaw niya na puro palayan na ang nasa tabi ng kalsada.
Nagsimula siyang maglakad. Hindi niya alam kung saan siya patungo o kung saan siya dadalhin ng mga paa niya. Takot siya sa dilim. Simula nang maliit pa siya ay natutulog siya na hindi pinapatay ang ilaw ngunit sa mga oras na iyon ay hindi niya alintana ang kadiliman.
“Nanaginip lang ako. . . panaginip lang ang lahat ng ito.” Mariin siyang pumikit. Nagbilang sa utak. Pinalipas ang ilang minuto bago nagmulat ng mata. Nasapo niya ang bibig. Impit na humikbi. Wala siya sa panaginip. Totoo ang lahat.
Mapait siyang tumingin sa perang hawak. Iyon ang dahilan kung bakit magsisimula na maging impyerno ang buhay niya ngunit hindi naman niya pwedeng itapon sapagkat kailangan niya iyon para sa kanyang pamilya.
Sa ngayon ay hindi niya alam ang gagawin o kung saan siya magtatago. Bagaman hindi makapagsumbong sa pulis si Travis Rigor ngunit natatakot siya na baka balikan nito ang kanyang pamilya. Kung mangyari man iyon ay hindi niya alam kung paano maipagtanggol ang mga ito.
Dala ng sobrang pagod ay napagpasyahan niyang magpahinga. Umupo siya sa ilalim ng malaking puno na nasa tabi lang ng kalsada. Naghintay siya kung may sasakyan o tao na dadaan ngunit lumipas na lang ang isang oras ay wala pa rin hanggang ginupo siya ng pagod at antok hanggang sa tuluyan napapikit ang mata.
___
NAPABALIKWAS ng bangon si Jean nang makarinig ng ugong ng mga sasakyan. Nang tumingin siya sa paligid ay nakita niyang malapit ng sumilip ang haring araw at paroo’t-parito na rin ang mga sasakyan.
Agad siyang bumangon. Pinulot niya ang nakitang plastik. Hindi na niya alintana kung madumi man iyon, isinilid niya doon ang mga bungkos na pera. Tinanggal niya ang pagkaka-tuck in ng kanyang blusa para matakpan ang baril na siniksik niya sa kanyang beywang. Mabuti na lang at highway pala ang kinaroroonan niya at walang taong dumaraan. Naipagpasalamat din niya na walang nakapansin sa kanya na mga nagbibiseklata at hindi pinag-interesan ang pera na nasa kamay lang niya.
Nabuhayan siya ng loob nang may makitang bus na pabalik sa Maynila ang rota. Agad niyang pinara at sumakay siya nang huminto sa kanyang harapan.
Habang naghahanap ng mauupuan ay pinagtitinginan siya ng mga pasahero. Sobrang ikli kasi ang suot niyang mini-skirt na itim na uniporme niya bilang waitress. Nagkabutas-butas rin ang suot niyang stockings. Idagdag pa ang nahulas niyang make up. Fresh ang hitsura ng mga pasahero na pupunta yata sa mga trabaho, taliwas niya na mukhang sabog.
Umupo siya sa pinakalikuran na bahagi kung saan walang tao. Nang makaupo ay niyakap niya ang plastic na naglalaman ng pera. Ramdam pa rin niya ang pagod at antok. Pinikit niya ang mata.
Naramdaman ni Jean nang biglang huminto ang bus na kinasubsob ng maraming pasahero kabilang na siya. Kaagad siyang tumayo para tingnan ang nasa unahan. Nakita niya na may mga lalaking umakyat sa bus. Pawang mga armado.
Mga tauhan ni Travis Rigor!
Bumangon ang matinding takot sa kanyang dibdib. Kumubli siya. Kung tatalon siya sa bintana ng bus ay may nakaabang naman sa ilalim dahil napapalibutan ang bus ng mga tauhan ni Trabis Rigor.
Binunot niya ang baril at ang plastic naman na naglalaman ng pera ang inipit niya sa kanyang beywang. Wala siyang magagawa kundi ang manlaban. Tatanggapin din niya kung dito magatatapos ang kanyang buhay.
Sigawan na ang mga tao sa loob ng bus. Siniksik ang mga katawan sa ilalim ng upuan para makapagtago ngunit hinihila ng mga ito ng tauhan ni Travis Rigor para makita ang mga mukha at nang mapagtanto na hindi siya ay basta na lang pabalya na tinutulak.
Hinigpitan niya ang paghawak sa baril. Nasilip niya na sa bandang gitna na ang mga tauhan ni Travis Rigor.
“Dios ko, kung ito na ang katapos ko wala na akong magagawa pero gabayan mo po ang aking pamilya. Ingatan mo po sila lalo na ang anak ko,” usal niya ng panalangin sa halos pabulong na tinig. Mariin na nakapikit ang mga mata niya at muli na naman naglandas ang mga butil na luha sa kanyang pisngi. Parang pinupunit din ang puso sa iyak at sigaw ng pagmamakaawa ng mga pasahero.
Naramdaman niya na may humintong yabag sa kanyang harapan.
“Tumayo ka!” sigaw ng malakas na tinig na iyon ay ang paghablot sa kanya sa buhok. At pinaharap ang mukha niya. “Tatakas ka pa!”
Susubukan niya sana magpatok ng baril pero hindi na niya nakuhang kalabitin ang gatilyo sapagkat pinilipit na nito papunta sa likod ang kamay niya. Napahiyaw siya sa sobrang sakit.
“Huwag! Para mo ng awa. Bernard!” Pagmamakaawa niya. Hilam ng mga luha ang mata. Kilala niya ang lalaki. Isa ito sa mapagkakatiwalaan na bodyguard ni Travis Rigor.
“Dahil sa ginawa niyo madadamay kami! Sa tingin mo ba pagkakatiwalaan pa kami ni Sir Travis?!”
“Please! Bernard. May anak ka rin!”
“Nasaan mga kasama mo?”
“Ewan! Hindi ko alam!”
“Sinungaling!”
Napasadsad siya sa sahig ng bus nang binigyan siya ni Bernard ng isang malakas na sampal. Pakiramdam niya ay analog ang utak niya at nabinigi siya.
Hindi pa man siya ganap na nakakabalik sa tamang wisyo ay muling hinablot ni Bernad ang kanyang buhok at sipilitan na pinabangon. Kinaladladkad siya nito pababa sa bus at binalya sa lupa.
“Bernard! Para mo ng awa! Kailangan ako ng anak ko!”
“Hindi ka mo na kailan pa makikita ang anak mo, Jean dahil paglalamayan ka na.”
Nagimbal siya sa narinig. Tumakbo siya. Sinubukan parahin ang mga dumadaan na sasakyan ngunit walang humihinto.
“Para niyo ng awa, iligtas niyo ako!”
Mas lalo siyang nawalan ng pag-asa nang makita na huminto ang ibang sasakyan sa hindi kalayuan at sa halip na dumeretso ay nagmaniobra pabalik. Natakot marahil sa mga armadong tauhan ni Travis Rigor.
“Maglaro tayo, Jean,” sabi ni Bernard.
“A-anong laro?”
“Habulan. Pagbilang ko hanggang lima ay kailangan nakatakbo ka na para iligtas ang buhay mo.”
“B-bernard. . .”
“Isa!”
“Pero –“
“Dalawa!”
Agad siyang tumalikod dito. Tumakbo. Binigay niya ang lahat ng bilis niya. Walang lingon-likod.
”Tatlo!”
Sa halip na tumbukin ang deretsong kalsada ay lumiko sa bandang kaliwa si Jean. Sinuong niya ang palayan. Balewala sa kanya kung matusok man siya ng mga damong ligaw.
“Apat!”
Napasubsob siya sa palayan na maraming putik nang ma-out of balance. Naputok ng putik ang buong katawan niya. Tumangis siya ng iyak. Narinig niya ang tawanan ng mga tauhan ni Travis Rigor at paglingon niya ay nakita niya na tumakbo na ang mga ito papunta sa kinaroroonan niya.
Pinilit niya bumangon pero pakiramdam niya ay kay bigat ng mga paa niya. Hindi niya makuha na tumakbo ng mabilis.
“Paano ba iyan? Nahuli ka namin?” Nakangisi si Bernard nang ganap na makalapit sa kanya.
“B-bernard, huwag!” Pagmamakaawa niya nang tinutukan siya nito ng baril.
“Saan mo gustong barilin? Dito,” Tinutok nito ang baril sa kanyang sintido. Pagkataos ay binababa sa kanyang kanyang dindib. Sentro sa kanyang puso. “O dito?”
Pinikit na lamang ni Jean ang kanyang mga mata. Ilang sandali pa ay umalingawngaw ang isang putok ng baril. Sa bilis ng mga pangayayari ay wala siyang maramdaman na sakit ngunit batid niyang natamaan siya sa mismong sintido at hindi na siya mabubuhay pa dahil muli siyang binaril ni Bernard. At kung saang parte na siya ng katawan natamaan.
Bumagsak ang katawan niya sa putikan. Dilat ang mga mata. Sa huling sandali ng hininga niya ay nakita pa niya si Bernard na nakatunghay sa kanya. Walang mababakas na awa sa mukha