CHAPTER SIX

1945 Words
“HUWAG! Benard, huwag!” Narinig ni Jean ang sariling boses kung kaya napamulat siya ng mata. Habol niya ang kanyang hininga. Pawisan at nanlalaki ang mata. Kinapa niya ang sintido. Wala siyang makapang sugat at dugo. Nang mapatingin siya sa paligid ay doon lang siya nahimasmasan. Nakikita niya ang karamihan sa mga pasehero na abala sa pagpindot ng mga cellphone habang ang iba ay relax lang nakaupo. Mayroon din na nagtataka na nakatingn sa kanya. Bumuga siya ng malakas na hangin sa baga. Nakahinga ng maluwag. Napagtanto niya na panaginip lang ang lahat. Akala niya ay totoong nabaril na siya ni Bernard. Traffic. Halos hindi na umuusad ang mga sasakyan. Ibig sabihin ay nasa Maynila na siya. Dala pa rin ng matinding pagod ay napahaba pala ang tulog niya. Nakisabay siya sa agos ng mga bumababang pasahero nang huminto na ang bus. Nagmamadali siyang pumara ng taxi at sinabi ang lugar ng squatter area kung saan sila nakatira. Hindi siya magtatagal sa kanilang bahay. Aalis din siya kaagad. Iiwanan lang niya ng pera ang kanyang kapatid at ina. Ihahabalin niya sa mga ito ang kanyang anak. Hindi pa niya alam kung saan siya titira o pupunta. Basta ang alam niya ay hindi siya pwedeng manatili sa kanilang bahay sapagkat siguradong pupuntahan siya doon ni Travis Rigor. Kumuha siya ng isang libo sa plastic nang huminto na sa isang makipot na eskinita ang taxi. Hindi na niya hinintay ang sukli kahit nakita niya na tatlong daan lang ang nakalagay sa metro. Mabilis siyang bumababa at pumasok sa makipot na eskinita. Pinagtitinganan siya ng bawat makasalubong niya. Mababakas ang pagtataka sa mga mukha. Hindi kasi niya makuhang ngumiti na gaya ng nakagawian niya. Idagdag pa ang hindi maintindihan na hitsura niya. “Aba’y, Ano’ng nangyari sa iyo, Jean? Bakit ganyan ang hitsura mo?” Hindi na nakatiis na tanong ni Aling Puring na kinukutahan ang anak sa tabi ng daan. “W-wala po, Aling Puring.” “Bakit tinanghali ka ng uwi? Aba’y kanina pa nakaabang ang mama mo sa labasan. Nag-aalala sa iyo.” Hindi siya sumagot, bagkus halos takbuhin na niya ang paglakad. Pagbukas niya ng pinto ng kanilang bahay ay nakita niya ang kanyang ina na naghuhugas ng pinggan sa kusina. Si Jake naman ay abala sa pag-aayos ng mga fruit basket. Samantala, buong katuwaan naman na sinalubong siya ng kanyang anak ng yakap. Naluha siya. Lumuhod upang magpantay silang dalawa ng anak niya. Pagkatapos ay niyakap niya ito ng buong higpit. Pinugpog pa niya ng halik ang buong mukha nito. Nadudurog ang puso niya sa isipin na hindi na niya ito mayayakap at mahahalikan. Hindi niya alam kung malalapitan pa niya ulit ito. “Mama, bakit ka po umiiyak?” tanong ng inosenteng bata. Pinahid ng malilit na daliri nito ang mga luha na naglandas sa kanyang pisngi. “W-wala, anak. Basta, lagi mong tandaan, ha? Mahal na mahal ka ni Mama.” Pigil niya ang humagulhol sa harap nito. “Jennica, anak, magbabakasyon muna sandali si mama. Huwag kang mag-aalala babalik din kaagad ako.” “Sasama ako, Mama.” “Hindi kasi pwede ang bata sa pupuntahan ko, anak.” “Basta sama ako!” Lumapit naman ang kanyang ina habang nagpapahid ng basang kamay sa laylayan ng palda nito. “Tama ba narinig ko? Aalis ka?” kunot-noo na tanong ng kanyang ina na si Gina. “Saan ka pupunta? Bakit ngayon ka lang pala dumating, Jean? Bakit ganyan ang hitsura mo?” Wala siyang sinagot sa maraming tanong ng kanyang ina. Tumayo siya. “Anak. Maglaro ka muna sa toys mo.” “Okay po, Mama!” Tumalima ang kanyang anak. Kinuha ang isang box ng karton na naglalaman ng mga bago at lumang laruan nito. Binuhos nito ang buong laman sa sahig. Sumunod naman ang kanyang ina nang pumasok na siya sa kwarto nila ng kanyang anak. “Ano ba ang nangyayari sa iyo, Jean?!” Tumaas na ang boses nito nang makita na na naglalagay siya ng mga damit sa malaking knapsack. Inagaw nito ang mga damit sa kanya at sapilitan siyang pinaharap. “Magpaliwanag ka kung anong nangyayari!” “Ma!” Nanghihina na naupo siya sa kama na yari sa kahoy. Tuptop niya ang bibig sa takot na marinig ng anak niya ang kanyang pag-iyak. “Jean. . .” “Ma, kailangan kong tumakas at magtago.” “Bakit?” Bakas na sa mukha ng kanyang ina ang matinding pag-alala. “Ma, hinold-up ko ang boss kong si Travis Rigor!” “Ano ang sabi mo?” Gimbal nitong tanong. Bumalik siya sa paglalagay ng damit sa bag. “Mahirap ipaliwanag, Ma. Basta! B-in-lackmail ako ng manager ng bar. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.” “Dios ko, Jean! Anong itong ginawa mo?!” “Patawad Ma!” Niyakap niya ang kanyang ina nang humagulhol na rin ito ng iyak. “Ma, tama na. Baka marinig pa tayo ni Jennica.” “Paano ka na?” “Tatakas ako. Magtatago!” “Hindi ko makakayanan kapag may mangyaring masama sa iyo, anak!” “Ma, walang mangyayaring masama sa akin. Basta, ingatan mo lang po si Jennica. Ikaw na po muna bahala dito. Magiging maayos din ang lahat.” “Paano kung ipapakulong ka ng boss mo?” “Hindi po iyan, mangyayari.” Mabilis siyang nagbihis. Jeans at shirt ang napili niyang suotin. Pagkatapos ay kinuha niya ang mga pera sa plastic. Binigay niya ang dalawang bungkos sa kanyang ina habang ang isang bungkos naman ay isinilid niya sa kanyang bag. “Dios ko, napakalaking pera nito.” “Ma, gastusin niyo po iyan sa mga pangangailangan niyo dito. Itago niyo rin po iyan ng mabuti. “Pero Jean – “ Hindi na niya hinintay na matapos ang ina sa pagsasalita. Binitbit na niya ang bag palabas ng kwarto nang maisilid na doon ang mga kailangan niya. Lumipat siya sa kabilang kwarto kung saan nakaratay ang kanyang ama. Nadatnan niya itong natutulog ng mahimbing. Hinagkan niya ito sa noo. Niyakap. Pagkatapos na lumabas sa kwarto na iyon ng kanyang ama ay ang kapatid naman niya na si Jake ang nilapitan niya. Para itong may sariling mundo. Hindi nito alintana kung dumating man siya na umiiyak. Ang buong atensyon nito ay naka-focus lang sa pagpupunas ng mga basket. Ganoon ang epekto ng developmental disability nito. “Jake.” Pukaw niya sa atensyon nito. Umupo siya sa tabi nito. “Pwede ka bang makinig kay Ate?” “A-ano po a-ate?” Nauutal na tanong nito. Hindi gaanong nakakabigkas ng maayos at bihira lang ang pagkakataon na maitatawid nito ng deretso ang isang pangungusap. “Ingatan mo sina Mama at Papa, ha? Lalo na si Jennica. Huwang mo silang pabayaan. Protektahan mo lagi sila.” “Ba. . bakit a-ate saan ka pupu. . punta?” Nakatingin si Jake sa hawak niyang bag. “May pupuntahan lang ako. Huwag kang mag-aalala, babalik din kaagad ako.” “Mag-ingat ka po.” Ngumiti siya. Natuwa ang puso niya na nakapagsalita ito na hindi nauutal. “Ang bilin ko, huwag mong kalimutan, Jake, okay?” “Okay, Ate!” “Good!” Nawala ang ngiti niya sa labi nang mapansin na nag-iba ang emosyon ang sa mukha nito. “Oh, bakit ganyan ang mukha mo?” “Ba. . .B-bakit ako nalulungkot, A-ate?” “Ano ka ba. Promise ko naman sa iyo na babalik din kaagad ako,” aniya na pinilit na pinasigla ang tinig. Niyakap niya ang kapatid habang nakatingin siya sa kanyang ina na naluluhang nakatunghay sa kanila. Sa kabila ng kalagayan ni Jake ay marunong itong makiramdam. Hindi rin ito basta-basta na maloloko. Sa katunayan ay napagkakatiwalaan nila ito na mag-isang magbantay sa kanilang fruit stand. Memoryado na rin nito ang pera dahil kinamulatan na nito na tumulong sa maliit nilang negosyo. Isa pa, batay na rin sa doctor ay hindi malala ang kaso nito. Pwede itong turuan at matuto. Iyon nga lang hindi na ito masusi pang na-evaluate ng doctor dahil wala silang pangtustos. Hindi na rin nila nasunod ang payo ng doctor na i-enroll si Jake sa mga aktibidad na makapagpalabas sa talent nito. Kung pisikal na anyo ay wala kang makikitang deperensya kay Jake. Mapagkakamalan itong normal basta huwag lang magsailta at kumilos. Ubod ng lampa nito. May problema ito sa tamang pagbalanse ng katawan. Konting tulak lang dito ay agad itong natutumba. Marami nga nasasayangan dahil may hitsura ang kapatid niya. May nagpapapansin nga na babae rito sa kabila ng kalagayan nito. Ngunit ang kapatid niya ay umiinog lang ang mundo sa iisang babae – sa kababata nitong si Angela. Dati sa squatter area din na iyon nakatira ang pamilya ni Angela. Ngunit na-demolish ang mga bahay na nakapwesto sa bukana at ligtas silang nasa liblib. Hindi sila mapaalis sapagkat hindi rin mapapakinabangan ang lugar dahil creek na. Sa huli ay binigyan na lang ng maliit na right of way ang mga nakatira sa looban. Sa kabilang baranggay lang naman lumipat ang pamilya ni Angela kaya hindi rin nawala ang komunikasyon nito sa kanyang kapatid. Matalino si Angela. Nakapagtapos ito ng koliheyo dahil sa full scholarship. Nang maka-graduate ay pinag-aagawan kaagad ng mga kompanya ngunit mas pinili nito na magtrabaho sa kompanya ni Travis Rigor. Yes, iisa lang sila ng boss. Tuwing linggo ay nagkakasama ang dalawa dahil day off ni Angela. Ewan niya kung aware ito na may pagtingin ang kapatid niya rito, pero masaya siya sa at totoo at puro ang pagkakaibigan ng ng dalawa. May kakayahan bang umibig ang autistic? Ang sagot ay oo. May developmental disability lang ang mga ito ngunit walang deperensya ang puso. Naitanong na rin niya iyon sa doctor nang minsan nilang mapakonsulta si Jake at pinatotohanan nito ang bagay na iyon. “Jean! Mag-ingat ka!” Hindi na napigilan ng kanyang ina na mapalahaw ng iyak nang humakbang na siya papunta sa pinto. “Mama!” Humabol sa kanya si Jennica. Niyakap siya ng mahigpit sa beywang. Tila wala siyang balak na bitiwan. Maging ito ay pumalahaw na rin ng iyak. “Mama! Sasama ako! Huwag mo akong iwan!” “Baby, mamayang hapon ay babalik din si Mama. Papasok lang naman ako sa trabaho. Hindi ba sanay ka na?” “Bakit may dala kang malaking bag?” “Mga damit ito na itatapon ko na.” “Hindi ako naniniwala!” “Anak! Isa bitawan mo ako!” Nagtaas na siya ng boses. Hilam na ng mga luha ang mata niya. Hindi niya gustong sigawan ang anak pero wala na siyang mapagpipilian. Pilit niyang binaklas ang kamay nito. Nang matanggal niya ay sa paa naman niya kumapit. “Mama! Huwag kang umalis!” “Jennica, huwag matigas ang ulo!” Sa mga sandaling iyon ay durog na durog na ang kanyang puso. “Jake, kunin mo ang pamangkin mo!” Tumalima naman ang kanyang kapatid. “Ha-halika J-jennica, laro tayo to. . . to. . . toys mo.” “Anak, laro daw kayo ng Tito Jake mo,” sabi niya sa mababang tinig. Naging Malabo na ang paningin niya sa kanyang anak dahil wala ng tigil sa pagmamalisbis ng kanyang mga luha. “Ayoko ko! Sama ako, Mama.” “Hindi nga kasi pwede, baby!” Pilit siyang kumuwala sa pagkakapit ng anak at nang ganap siya nitong binitiwan ay mabilis siyang humakbang palayo. “Mama! Mamaaa!!!” Humagulhol siya. Tinakpan niya ang kanyang tenga. Para na rin siyang pinapatay sa mga sandaling iyon pero kailangan niya magpakatatag alang-alang na rin sa kanyang anak. Hindi siya makakapayag na muling na tuluyan itong mawawalan ng ina. Gagawin niya ang lahat upang magkasama ulit sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD