HUMIHINGAL si Travis Rigor. Sapo niya ang kanyang dibdib. Matapos ang tila walang hanggang na kadiliman ay sa wakas nakakita siya ng maliit na liwanag na nakapagpabalik sa kanyang kasalukuyan na diwa. Pinapapawisan pa rin siya ng malamig habang nanlalaki ang mata niya sa pagkagimbal. Buong akala niya ay tuluyan na siyang lalamunin ng kadiliman at hindi na makakabalik sa katawan ni Jake. Nasa harap pa rin niya si Angela. Tulala. Namumula ang magkabilang pisngi habang hawak ang labi. Ano ang nangyari? Nanlisik ang mga mata niya sa galit. Hinablot niya sa kwelyo si Angela. “Don’t you ever do that again!” dumagundong ang boses niya apat na sulok ng kanyang opisina. Noon naman tila natauhan si Angela. Napakislot ito. Makikita ang takot sa mga mata habang nakatingin sag alit niyang mukha. “