PINAHINTO ni Travis Rigor ang minamanehong kotse nang makita kung sino ang lumabas sa mamahaling restaurant – Si Belinda. Na-emphasize ang kaputian nito sa suot na eleganteng red backless bodycon dress na pinarisan din red stiletto. Agad niyang nakilala ang suot nitong diamond necklace and earrings. Siya ang may regalo niyon sa anibersayo ng kasal nila. Pumasok ito kanina sa opsina na may pasa sa gilid ng bibig. Wala siyang ideya kung sino may gawa niyon lalo’t hindi pa niya alam kung sino ang bagong lalaki nito. Hindi na siya nabigyan ng pagkakataon na alamin sapagkat naging busy na siya sa pamamalakad ng kompanya. Pero may palagay siya na matutuklasan niya ngayon kung sino ang lalaki nito. Sa gayak kasi nito ay mukhang mayroon itong ka-date. Nakatayo lang ito malapit sa entrance na til