Nagising ako sa marahang paghaplos na nararamdaman ko sa hita ko pero nawala rin nang gumalaw ako. Pagmulat ko nang mga mata ay madilim na ang paligid. Masyadong mahaba ang tulog ko simula nang talikuran ko kaninang umaga sila Sven. Tila nahimasmasan ako sa pagmumuni-muni nang maramdaman kong muli ang paghaplos sa hita ko. Nakaramdam ako ng kilabot kaya agad akong bumangon mula sa pagkakahiga. Nabungaran ko si Sven na nasa paanan ng kama, nakaupo siya dun at mariing nakatitig sakin. Amoy ko ang pinagsamang sigarilyo at alak sa kanya. Kelan pa siya natutong maglasing? "A-anong ginagawa mo, Sven?" Kinakabahan kong tanong sa kanya. Umangat ang sulok ng labi niya habang naaaliw sa panunuod sakin, kahit wala namang nakakaaliw. "I love you, Isabella. Only you, and no one else." Sambit niya ha