ALAS-TRES ng madaling araw nagising si Camilla. Gusto pa sana niyang matulog kaso tunog nang tunog ang alarm sa kaniyang cellphone. Bumangon na siya at nagbukas ng lampshade. Kamuntik pa siyang mapasigaw nang mapansin si Chase na nakahiga na sa kaniyang kama. Talagang nasa pinakagilid ito ng kama humiga kaya hindi niya ramdam. Sa sofa ito nakahiga bago siya natulog. Ang walanghiya, panty na naman niya ang isinuot nito. Nauna itong naligo sa kaniya at hindi niya napansin na nakialam ito sa closet niya. Hindi na muna niya ito ginising. Naligo siya ulit upang mahimasmasan at mawala ang kaniyang antok. Paglabas niya ng banyo ay gising na si Chase, nagbibihis na. Napilitan siyang labhan ang pants nitong hinubad at polo noong gabi at pinatuyo sa dryer. “Tuyo na ba ‘yang damit mo?” tanong niy