HULING araw ng duty ni Camilla bago ang three days leave. Napagbigyan pa niya si Herald na mag-lunch sa labas at binatikos na naman siya ni Chase. Para silang aso’t pusa nito na magbabati lang kung may matinding pangangailangan ang isa. But she can’t deny that she started enjoying their situation. Kinagabihan paglabas niya ng ospital ay may sundo na naman siya. Mabilis siyang pumasok ng kotse habang busy pa ang mga tao sa paligid. Pero nang makaupo sa tabi ng driver ay niratratan niya ng sermon ang driver. “Bastos ka rin talaga kung minsan, ano? Kausap ko si Herald, pabigla-bigla kang tumatawag para lang maabala kami! Kainis ka!” Nahampas pa niya ng bag sa braso ang lalaki. “Wait lang, ma’am!” pigil naman nito. “Anong wait lang ma’am! Alisin mo ‘yang maskara mo, hudyo ka!” Dinakot pa n