Chapter 53

1929 Words

NAKATULOG din nang maayos si Camilla dahil maaga ring natulog si Charlie. Excited kasi ito sa graduation. Alas-sais ng umaga siya nagising at kaagad nagluto ng almusal. Nagising na rin ang kan’yang mag-ama at sumugod na sa swimming pool at naligo. Alas-nuwebe naman ng umaga ng simula ng graduation ceremony nila Charlie, pero dapat maaga sila dahil traffic at may preperasyon pa sa school. Nang maluto ang almusal ay pinuntahan niya ang mag-ama. Humusay na sa paglangoy si Charlie pero inalalayan pa rin ng ama. “Mommy, I can swim from here to there!” sabik na batid ng bata. “Ang galing naman! Pero hindi ka pa rin puwedeng maligo na mag-isa kasi malalim ang tubig, anak,” aniya. “Kasama ko palagi si Daddy at ikaw po. Let’s go, Mommy!” “Mamaya na ako maligo. Mag-almusal muna tayo.” “Hm. Let

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD