“CAMILLA,” tawag ng daddy ni Camilla. Naudlot na ang pagtawag ni Camilla kay Chase nang tuluyang makalapit ang kan’yang. “Ano’ng kailangan n’yo? Please, huwag kayong manggulo sa graduation ng anak ko,” kabadong sabi niya pero hindi magawang tingnan ang kan’yang ama. “Gusto ko lang makita ang apo ko, Camilla. Isang beses mo siyang pinakilala sa akin, dalawang taon pa lang siya. Malamang ay hindi na niya ako kilala.” “Kilala ka niya dahil may picture. Pero kung patuloy mo kaming guguluhin, kamumuhian ka rin ng apo mo.” “Sinabi ko na sa ‘yo, hindi ako manggugulo kung lalayuan mo si Chase. ‘Yang gago’ng tatay ng anak mo, inatake nila ang isa sa headquarters namin at nahuli ang ibang tauhan namin. Ngayon, wala kaming makukotahang matino. Nakipagtulungan pa siya sa malaking mafia organizati