PAGKATAPOS ng sayawan ng mga bata ay picture taking na. Ang daming parents na nakiusyoso sa kanilang pamilya. Ang alam ng ibang parents ay single parent si Camilla. Inamin naman niya na hindi siya kasal kay Chase. Nang makababa sila ng entablado ay saka naman lumapit ang mommy at kapatid ni Camilla. Naiyak din ang mommy niya sa tuwa. “Ang galing talaga ng apo ko! Proud ang lola mo, Charlie,” ani Marielle. Panay ang yakap nito kay Charlie. “Galingan mo pa sa susunod, Charlie,” sabi naman ni Carlos. “Yes, Tito! Salamat po sa gift!” Yumakap din si Charlie kay Carlos. Mayamaya ay lumapit na sa kanila si Herald kasama si Solidad. “Hi, Charlie! Congratulation!” bati ni Herald sa bata. “Wow! Tito Herald! Narito ka na!” excited na sabi ni Charlie. Kaagad itong lumapit sa binata. And he bra