HINDI sigurado si Camilla kung kailan nagsimulang magparamdam ang daddy niya sa kan’yang ina. Maaring matagal na dahil sa napapadalas na pangungumusta ng ginang. Her mother once asked her if Chase was continuously visiting her and Charlie. Maybe that time, her father hinted to Mariella about Chase, hindi lang diretsang sinabi. But Loreto told her mother the exact information he wanted to tell her. She doesn’t know how to explain this to her anxious mother.“Matagal mo na ba ‘tong alam, Ate Camilla?” usig ni Carlos. Hindi siya mapakali at napaluklok sa tabi ng kan’yang tiya. “Oo, noong nagdesisyon ako na tanggapin ang pagpapakasal kay Chase,” pagtatapat niya. “At kaya ka ba umurong sa kasal dahil sa nalaman mo ang totoong pagkatao ni Chase?’ usig din ng kan’yang ina. Tumango siya. “But