BAGO dumilim ay nagsialisan na ang mga bisita maliban kay Yoshin. Tinamad na itong umuwi sa condo dahil umano nababagot. Napamulagat si Camilla kay Chase nang sabihin nito na doon pansamantalang matutulog si Yoshin sa bahay nila. “Akala ko ba nakikituloy rin siya sa bahay ni Alejandro?” aniya. Nasa laundry room na sila at nagpapainit ng tirang pagkain para sa hapunan. Tinamaan na ng alak si Chase pero hindi pa naman lasing. Kumulit lang ito lalo. “Naka-lock ang bahay ni Ale. Sa labas lang ang mga guwardiya at hindi nag-iwan ng susi si Ale. Baka next week pa uuwi ang mga ‘yon,” anito. Nakaluklok sa gilid ng lababo si Chase at pumapapak ng nilagang mani. Pinainit naman niya sa microwave ang tirang fried chicken at lumpia, maging spaghetti. “Eh, saan mo patutulugin si Yoshin? Aalis pa ta