Kabanata IX

2103 Words
"Huwag mo nga kasi ako masyadong titigan. Baka mamaya may magsumbong du'n sa girlfriend mo," sabi ko. Dinig ko ang paghalakhak niya. Mangha ko siyang pinagmasdan habang patuloy siyang tumatawa na tila may nasabi akong nakakatawa. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito. Napangiti ako. Mas lalo na naman siyang naging guwapo sa paningin ko. Nang tumigil siya sa pagtawa ay nahuli pa niya akong nakatingin sa kaniya. Nginisihan niya ako saka nagtaas ng isang kilay. Ngumiti lang ako, nailing pero hindi nag-iwas ng tingin. Sinubukan kong makipagtitigan sa kaniya. Kailangang ipakita ko sa kaniya na hindi ako apektado sa kaguwapuhan niya. Mamaya umasa ako o kaya ma-mis-interpret namin ang isa't-isa. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko. May kung anong pakiramdam sa aking tiyan dahil lang sa mga titig niya. Parang... Tumikhim ako. Tumikhim din siya. Tila may gusto siyang sabihin. Nang akmang magsasalita na ay naagaw naman ang pansin namin ng marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko. Kasunod ay ang palakpakan. Nakatingin sa akin ang mga bisita maging ang banda ay nakatuon din ang mga mata sa akin. Nahihiya akong ngumiti saka tumayo at marahang naglakad papuntang stage. "Sabi na eh. Kaya pala mukhang familiar ka, nakita na kitang kumanta dati sa Pete's Place Mall of Asia kasama ang banda mo," sabi ng pinsan ni Tessa na si Maki ng makatunton ako sa stage. Ngumiti ako sa kaniya. Nahiya ako sa mga papuri na sinasabi niya tungkol sa akin. Dahil do'n nangantiyaw na naman sina Raymond. "Style mo bulok, Maki. Ang baduy ng banat mo!" pangangantiyaw nila kay Maki. "Huwag kang maniwala diyan, Janina. Babaero iyan!" dagdag pa nila. "Let's start," sabi ko para matigil na ang pang-aasar sa amin. Pinakita niya sa akin ang listahan ng mga paborito daw na kanta ni Tessa. Halatang inlove na inlove si Tessa kay Raymond na boyfriend niya. Hindi naman lahat ng nasa listahan ay kakantahin namin. Pumili lang kami sa tatlong paborito niya at ang ibang kanta ay kami ay choice na namin. Karamihan sa mga kanta kasi ay Tagalog. Bihira lang kasi akong kumanta ng tagalog songs. Pili lang ang mga kinakanta ko at wala pa iyon sa mga gusto ni Tessa. Nang makita ka Ay di na magawa, Na kalimutan at lagi isipin ka. Naghiyawan ang mga magkakaibigan at pati ang ibang mga bisita nakisabay na din. Napapailing ako kada bigkas ng bawat salita ng kanta. 'Bakit ba ganito ang lyrics ng kantang 'to?' Parang pinapatamaan ako. Panay naman ang hiyaw ng magbabarkada. Sa hilig nilang mang-asar sa amin ni Justin alam kong parehas kami ng naiisip sa lyrics ng kanta. Kaarawan ito ni Tessa pero nasa amin na ni Justin ang atensyon. Nakakahiya talaga. Pakiramdam ko bumalik ako sa high school. Hindi ko kasi ito naranasan ng high school pa lang ako. Wala akong crush. May hinahangaan ako pero isa siyang celebrity. Isa siyang bokalista sa banda. Pakiramdam ko para talaga sa akin ang kanta. Gusto kong matawa. 'It's just a song, Janina. Huwag dibdibin,' puna ng isip ko. Ano na naman ba 'tong tumatakbo sa isip ko. Sa lahat na lang yata ng bagay naiuugnay ko kay Justin. Speaking of Justin. Nakita ko na may kasama na siya sa table. Isang magandang babae na kung hindi ako nagkakamali ay kaedad ko lang. Maputi siya at makinis. Naka-make up pero light lang. She was wearing a simple pink dress. I found her really attractive, kumpara sa mga babae na dumidikit kay Justin. Nakikinig ng kanta ang babae na tila ramdam na ramdam niya. Saka siya bumaling ng tingin kay Justin. Nagkangitian sila at tila ba nagkakaintindihan sa mga tinginan nila hanggang sa nauwi sa tawanan. Siya siguro ang babaeng nagugustuhan niya. May kung ano'ng pait na gumuhit sa aking loob. Hindi maari 'to. Hindi puwedeng may ganito akong maramdaman. 'Pigilan mo, Janina,' sigaw ng isip ko. Binaling ko ang tingin kay Maki na nakatingin pala sa akin. May mumunti siyang ngiti sa mga labi habang walang kurap akong pinagmamasdan na kumakanta. Narinig ko ulit ang hiyawan ng mga magkakaibigan pero wala na sa kanila ang tingin ko. Tinuon ko kay Maki ang atensyon para ma-distract ang isip ako dahil sa nararamdaman ko ngayon. Hindi gaya kay Justin ay wala akong pagkailang sa mga titig ni Maki. Tipid kong nginitian si Maki. Sa kaniya nakatuon ang tingin ko hanggang sa natapos akong kumanta. Malakas na nagpalakpakan ang mga tao na may kasama pang hiyawan. Ngayon naman kami na ni Maki ang inaasar ng iba pa nilang mga kamag-anak na naririto. "s**t! Nakakainlove!" sigaw ng magbabarkada. Ngumiti lang ako pero hindi na sila inabalang tignan pa ulit. Dumikit sa akin si Maki saka may binulong sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Tinignan ko siya ng may pagtatanong. Totoo? Ngumiti siya at tumango. "Oy, ano 'yan? Bakit nagbubulungan na kayo diyan?" kantiyaw nila sa amin na kinatawa namin. Tumikhim ako. " Lyin' here with you so close to me, It's hard to fight these feelin's when it feels so hard to breathe. Pagkatapos kong kantahin ang unang stanza ay bumaling ako kay Maki. Sa kaniya naman ang second part, na gaya ng ginawa ko ay sa akin din siya nakatingin. May eye to eye contact para magkaroon ng emosyon ang kanta. "Oy, Jaki, huwag kang ganiyan. May nasasaktan dito oh," biro nina Raymond at Richard na hindi ko maintindihan. Tumingin ako sa gawi nila at nakita ko si Justin na nakatingin dito sa stage habang madilim ang mukha. Ang kasama niyang babae ay panay naman ang tawa, sumasabay sa tawanan ng kanilang barkada. Ang lakas magpakilig ng boses ni Maki, iyong tipong boses na kikiligin ang mga kababaihan. Pagkatapos ng gig may mga babaeng nakaabang para magpakilala. Para sa akin naman, kapag maganda ang boses ng bokalista, mas nararamdaman ko ang damdamin na napapaloob sa kanta. Bandang chorus ay saka ako tumingin sa harap. Nagulat ako ng mahagilap ng tingin ko ang mga magkakaibigan na may kaniya-kaniya ng kapareha at sumasayaw. Iyong pan-di-distract ko ng sarili ko kanina ay walang silbi dahil mas naging mapait para sa akin ang nasaksihan ko. Kasayaw din ni Justin ang babae na kasama niya kanina. Hinawakan ako ni Maki sa aking braso, hanggang sa hawakan niya ang aking kamay. Nahuli na pala ako ng kanta sa parte na duet kami. Tila nawala na ako sa sarili ko. Parang nahalata pa ako ni Maki. Ang pangatlong kanta ay kanta daw ni Tessa para kay Raymond. Nagsi-alisan na ang ibang mga sumasayaw. Naiwan ang magkapareha na sina Tessa at Raymond na sumasayaw malapit dito sa stage. Nakangiti at nagniningning ang mga mata nila habang buong pagmamahal na nakatingin sa isa't-isa. 'Masaya ba talaga ang magmahal? Hindi ba parang nakakatakot?' Napapaisip ako. . 'Paano kung masaktan ka, paano kung mali pala ang lalakeng napili kong mahalin?' Akala ko ba wala munang lovelife? puna ng isip ko. Hininaan ang mga sounds, mula sa speaker. Hudyat iyon para hinaan ko din pati ang pagkanta ko kahit hininaan ang volume ng microphone. Huminto si Raymond sa pagsayaw saka siya biglang lumuhod. Napasinghap ang mga tao at si Tessa naman ay napatakip ng dalawang palad sa kaniyang mukha. Tumatawa siya pero kalaunan, yumuyugyog na ang balikat. Umiiyak na siya. Raymond is proposing. May bitbit na banner ang ilan sa mga kamag-anak ni Tessa na may nakasulat na "will you marry me?" Tumango-tango si Tessa at masayang-masaya na sumagot ng oo sa alok na kasal ni Raymond. Naging romantic ang buong paligid dahil sa dalawang nagmamahalan na gusto ng lumagay sa tahimik. They finally found their better half. They found love with each other. Umiiyak si Tessa habang sinusuot ni Raymond ang singsing sa kaniyang daliri. Everyone is emotional -- their relatives are emotional too. Pagkatapos masuot ang singsing ay tumayo si Raymond at mahigpit na niyakap si Tessa. They were crying -- crying because of happiness. Bago ko lang silang nakilala pero maging ako ay nakaramdam ng kagalakan. Pakiramdam ko inlove din ako. Kakat'wa pero iyon ang nararamdaman ko ngayon. Pagkatapos ng panlimang kanta ay nagpahinga na kami. Hindi ko alam kung babalik ba ako sa mesa na kinaroroonan ni Justin. Masaya silang nag-uusap usap kasama ang babae at ang iba pa nilang mga kaibigan. Nahiya akong lumapit, kaya naman naisipan kong magbanyo na lang muna. Tinanong ko ang mga bata na nakatayo sa gilid ng stage kung saan ang banyo. Hinatid nila ako sa loob ng bahay nina Tessa saka sila lumabas ulit. JUSTIN'S POV Kung hindi lang talaga mahalaga para kay Raymond at Tessa ang gabi na ito ay baka inuwi ko na si Janina. Paano niya nagagawang makipagtitigan ng gano'n kay Maki gayong ngayon lang sila nagkita. Samantalang sa akin ay todo iwas siya. I am better than any man she could have. Panay pa ang kantiyaw ni MikMik sa akin kanina na mas nakadagdag ng inis ko. "Mukhang mas magaling magpakilig ang kuya ko kaysa sa'yo, kuya Justin," biro niya ng paulit-ulit. "Bagay sila," aniya at patawa-tawa. Bumuntong hininga ako. Sumang-ayon din ang mga kaibigan ko sa sinabi ni Mikmik. Alam nila kung paano ako asarin. "Nasaan na si Jaki, Maki?" tanong ni Tessa kay Maki ng nilapitan niya kami dito sa mesa. Luminga-linga din ako para hagilapin si Janina pero hindi ko siya makita. Nginisihan ako ni Maki ng may pang-aasar. "Ayu'n umuwi na, sumabay kina Abel," sagot ni Maki. Napakuyomos ako sa narinig ko. "Bakit naman siya sasabay do'n eh sila ang magkasama ni Justin na nagpunta dito?" tanong ulit ni Tessa. "Baka akala niya hindi siya mahahatid pauwi ni Justin. Mukhang nagselos kay Mikmik." Tumawa si Maki at sinabayan din nina Tessa. Tumayo ako. Aalis na ako. Hindi man lang nagpaalam sa akin. Hindi ba siya nag-iisip? Hindi naman niya kilala ang mga lalakeng 'yon tapos nagtiwala siya agad sa kanila. "Oh, Justin, saan ka pupunta?" tanong nina Richard. Tinaas ko lang ang kamay ko. "Si ate singer po ba ang pinag-uusapan niyo? Nasa loob po siya ng bahay," singit ng mga bata. Matalas kong tinignan si Maki. "Kalma lang, dude. Ganiyan ka pala mainlove," biro niya habang tumatawa. Hindi 'yon nakakatuwa. JANINA'S POV NAGHILAMOS ako ng mukha at humarap sa salamin. Alas nuebe na pala ng gabi at hindi ko alam kung makakauwi pa ba ako. Baka hindi na ako maisabay ni Justin kasi ihahatid niya 'yong babae. Bahala na nga. Nag-lagay ako ng press powder saka lip and cheek tint bago lumabas ng banyo. Naglakad ako hanggang sa sala ng bahay nina Tessa. Sakto namang papasok si Justin. Bumuntong hininga siya ng makita ako. "Saan ka galing?" aniya at masusi akong tinignan. Ngumuso ako at tinuro ang banyo. "Nag-cr lang ako," sagot ko. Mataman na naman niya akong pinagmasdan. Mukhang nakainom na siya dahil may iba sa mga titig niya. Naputol ang titigan namin ng marinig namin ang mga yabag at tawanan. "Oh, Jaki. Tarantang-taranta si Justin eh. Sabi ni Maki umuwi ka na daw kasi nagselos ka daw kay MikMik," biro ni Richard. Nanlaki ang mga mata ko, nag-iwas ako ng tingin at kung puwede lang magpalamon sa lupa ay ginawa ko na. Namula ang pisngi ko. Hiyang-hiya ako. Lagot ka sa akin, Maki. Nagtawanan sila, pagkatapos ay umalis din. Natuod ako sa kinakatayuan ko. Hindi ako makakilos at hindi makatingin kay Justin. Bumuntong hininga siya at humakbang palapit sa akin. "Mika was Maki's sister," he said out of nowhere. Plano pa yatang ikuwento sa akin ang lovelife niya. "Okay," sagot ko. Narinig ko ang pagngisi niya kaya naman tumikhim ako at nag-angat ng tingin. Pinagmasdan niya ako habang may mumunting ngisi sa kaniyang mga labi. "Nagseselos ka ba kay Mika?" tanong niya. Nanlaki ang mata ko. "Bakit naman ako magseselos?" kalmado kong sagot para ibangon ang sarili ko. Bahagya ko pang pinilig ang ulo ko at tinignan siya. Ngumiti siya at ngumuso. "Sabi nila eh," aniya. Sabi lang nila 'yon. "Parang 'di mo naman kilala ang barkada mo." "Naaasar ka ba sa biro nila?" Umiling ako. "Hindi naman. Kasi hindi naman totoo." Kumunot ang noo niya. "Oo, hindi ko din gusto si Mika kung 'yan ang iniisip mo. She's just a fifteen year old kid. She's like a sister to me," paliwanag niya. "Bakit ka nagpapaliwanag? At saka wala akong gano'n na iniisip." Tama. Bumuntong hininga ulit siya. "Kasi Gusto--" Naputol ang sinasabi niya ng biglang nagsalita si Tessa sa bungad ng pinto. "Tara, mag-inom na tayo. Walang uuwi," aniya sa tonong lasing, saka agad ding umalis ng um-oo ako. "Ano'ng sinasabi mo?" tanong ko kay Justin na biglang natahimik. Tumikhim siya. "Gusto mo na bang umuwi?" tanong niya. Akala ko naman kung ano. 'Yon lang pala. Ikaw talaga, Janina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD