Kabanata VIII

2025 Words
PAGDATING namin sa bahay nina Tessa ay bumungad sa amin ang madaming mga tao. Madami din ang mga table and chairs na nakapuwesto sa kanilang bakuran. Mukhang may sayawan din dahil sa mga malalaking sound system na nakalagay magkabilang gilid ng ginawa nilang stage. May naka-set up din na mic stand sa gitna ng stage, may keyboard, drums at bass. Pinarada ni Justin ang big bike niya sa gilid ng bahay nina Tessa. Pagbaba ko ng big bike ay marahan akong hinila ni Justin palapit sa kaniya para tanggalin ang suot kong helmet. Heto na naman ang mabilis na t***k ng puso ko. Pakiramdam ko nagkakasala ako sa girlfriend niya dahil sa ginagawa ako. "A-ako na," awat ko sa kaniya pero hindi siya nakinig sa akin. Pagkaalis niya ng helmet sa ulo ko ay tinitigan niya ako. Mag-iiwas na sana ako ng tingin ng hawakan niya ang buhok ko. Sinuklay niya ang buhok ko gamit ang kaniyang daliri. Napasinghap ako sa ginawa niya. Bahagya pang dumampi ang dulo ng kaniyang mga daliri sa aking pisngi ng tanggalin niya ang ilang hibla ng buhok na nagkalat sa bandang mukha ko. Inipon niya iyon saka nilagay sa likod ng aking tenga. Sa ginawa niya ay halos hindi na ako humihinga, sumasabay pa ang mabilis na pagpintig ng puso ko at ang nakakaliyong pakiramdam sa aking tiyan dahil sa sobrang lapit namin sa isa't-isa. Halos mapapikit ako dahil sa samo't-saring nararamdaman ko. Janina, pigilan mo ang damdamin mo. Nakita mo naman kanina na may girlfriend siyang tao. Huwag kang papadala sa itsura at kinikilos niya baka nami-mis-interpret mo lang. May ngiti siya sa kaniyang mga labi. Bago pa ulit lumipad ang diwa ko dahil sa ginawa niya ay nag-iwas na ako ng tingin. Kahit wala akong naging close na lalake, tingin ko hindi normal ang inaakto niyang ito. Nanatili siyang nakatitig sa akin, kahit pa sa iba ako nakatingin. Nilibot ko ang aking paningin sa malawak na bakuran nina Tessa. Sakto namang nakita kong palapit si Tessa kaya agad ko siyang kinawayan. "Jaki, buti naman at sumama ka." Nakipagbeso siya sa akin ng makalapit siya sa amin. Pagkatapos ay nginitian ako at si Justin. "Oo, happy birthday. Pasensya ka na wala akong dalang regalo, hindi ako prepared ng sinundo ako ni Justin," nahihiya kong tugon. "Huwag mo ng alalahanin 'yon. Basta kantahan mo lang ako, masaya na ako. Dadating ang pinsan ko at ang ka-banda niya. Puwede ka ba nilang maka-duet?" "Kahit ilang kanta lang, please" pakiusap niya habang pinipikit-pikit pa ang mata. Mahina akong tumawa. "Sige, 'yon lang pala eh," sagot ko. Tumili siya sa tuwa. Kinawit ang kamay niya sa braso ko saka ako marahan na hinila hanggang sa maliit na bakanteng table na may dalawang nakapuwestong upuan. "Ayos, bago ka kumanta kumain muna kayo ni Justin," aniya. Pinaupo niya ako sa tabi ng isa pang bakanteng upuan na tingin ko'y nakalaan para kay Justin. Nang makaupo ay inikot ko ang tingin ko para tignan kung saan kukuha ng plato at pagkain. "Umupo ka na lang dito, ako na ang kukuha ng pagkain mo," sabi naman ni Justin. Agad na siyang humakbang papunta sa isang pahabang mesa sa gilid na pinaglagakan ng mga pagkain. Wow! Ang isang Justin ay tagapagsilbi ko lang. Nanatili akong nakatingin sa likod niya. Pati likod nakakaayang tignan. Pinigilan kong matawa dahil sa naisip ko, pero nag-iwan iyon ng ngiti sa mga labi ko. Nawala sa isip ko na nakatingin pala sa akin si Tessa. Pinanliitan niya ako ng mata kaya agad kong tinanggal ang ngiti ko sa aking mga labi. "Nakita ko 'yon," biro niya. Napapikit ako sa hiya at hinanda ko na ang sarili ko sa susunod pa niyang sasabihin. Alam kong palabiro din siya pero mabuti at mukhang nagpipigil siya, hindi na siya ulit nagsalita pa. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi saka nag-iwas ng tingin. Mahinang tumawa si Tessa. "Hi Jaki. Mabuti naman at nakasama ka." Lumapit ang iba pa nilang kaibigan sa amin. Tumango ako at nginitian sila. "Ah, oo. Sinundo ako ni Justin sa bahay," sagot ko na siyang nagbigay ng kakaibang ngisi sa kanilang mga labi. Mukhang alam ko na kung saan na naman mapupunta ang usapan na 'to. "Huwag kayong ganiyan, baka mas lalong mailang si Jaki sa atin," puna ni Tessa sa kanila kaya naman tipid ko siyang nginitian. "May boyfriend ka na ba?" tanong ni Richard. "Hindi pa ako n-nagka-boyfriend," nahihiya kong sagot. Mangha silang tumingin sa akin. "Woah. Sa ganda mong 'yan?" Chorus pa talaga silang lahat. Hindi ba kapani-paniwala? Kapag maganda ba required na mag-boyfriend? "Ayos, Justin, no boyfriend since birth pala itong si Jaki eh," sabi ni Raymond kay Justin ng makabalik na ito sa mesa namin. May bitbit siyang tray na may nakalagay na dalawang plato na puno ng pagkain at dalawang baso ng juice. Kinunotan ng noo ni Justin sa mga kabigan niya at hindi nagsalita. Huwag ka ng magsalita at baka mas lalo na naman nila tayong asarin. Ayaw kong maging tampulan na naman tayo ng tukso, isip-isip ko. "Baka gusto niyo muna kaming pakainin," masungit na tugon ni Justin sa mga kaibigan na tila tinataboy sila. Nagtawanan naman ang mga kaibigan niya sa pagsusungit niya. "Sige na, solo muna kayo diyan. Isipin niyo na lang kayong dalawa lang ang nandito." Tatawa-tawa silang umalis. Hindi ko din maintindihan kung bakit ba nila kami tinutukso, may girlfriend naman na si Justin. Parang sinusulsulan pa nila si Justin at tila pinagtutulakan sa akin. Naku, mga sulsol. Very bad. Kawawa naman ang karelasyon ni Justin. Tinignan ko ang laman ng plato ko. Napanguso ako ng makita kong puno ito. "Ang dami mong l-in-agay, hindi ko 'to kayang ubusin," reklamo ko. Bahagya pa akong sumimangot. "Hindi na nga ako kumuha ng pagkain na tingin ko ay ayaw mo. Kaya mo 'yan, kumain ka ng madami," aniya. Napatingin tuloy ako sa katawan ko. Payat ba ako at kailangan kong kumain ng madami? At ano'ng tingin niya sa akin? 'Yong girlfriend nga niya, tatangayin na ng hangin sa payat. Pagkalapag niya ng tray sa baba ay muli na naman niyang pinukol ang pamatay niyang titig. "Paano mo naman nalaman ang ayaw ko na pagkain?" tanong ko at sa halip na labanan siya sa titigan ay sa pagkain ako tumingin. Mga gusto ko nga ang lahat ng mga 'to. "Napansin ko kasi noong birthday ni Raymond na may hindi ka ginalaw na potahe. I guess, you didn't like those food," paliwanag niya. Ang galing naman niyang mag-observe. Pati ayaw ko nalaman niya kakatitig niya sa akin. "L-Let's eat," utal kong sinabi. Nagsimula akong magsubo ng pagkain. Kalahating kutsara lang ang sinusubo ko dahil nailang ako. Tipid na tipid ang bawat kilos ko. Habang kumakain siya ay nasa akin nakatuon ang kaniyang mga mata at hindi pa din maalis-alis sa pagkakatitig sa akin. Gusto ko na talaga siyang punain at tanungin kung bakit ganiyan siya makatingin lagi sa akin. Hindi ako gaanong pamilyar sa mga inaakto ng mga lalake dahil wala naman akong mapagbasehan. Wala pa naman akong naging close na lalake at ni minsan hindi ko naranasan makipag-date. Date? Bakit ba pumasok sa isip ko ang date? Malabo namang date ito dahil birthday party ito ng kaibigan niya. At bakit naman niya ako i-de-date? Gusto kong matawa. Asyumera ako ng taon. Iiwasan ko na talaga ang pag-iisip ng kung ano-ano at baka mabaliw ako. Ako lang naman itong mahilig magbigay ng kahulugan sa lahat ng kinikilos ng tao. Pati pagiging friendly ng tao napag-iisipan ko na din ng iba. Friendly lang siguro talaga siya, kasi kahit kay Jonna mabait at malambing naman niya kausapin. Bumuntong hininga ako. Nakilala ko lang si Justin nagiging over thinker na din ako. Pati ang pagiging mabait niya sa akin nabibigyan ko pa ng malisya. Bumuntong hininga ulit ako saka uminom ng juice. "Are you alright?" tanong niya habang masusi akong tinitignan. "I'm okay," sagot ko ng hindi tumitingin sa kaniya. Nang matapos kaming kumain ay muling lumapit ang mga kaibigan ni Justin. May mga bitbit silang alak at upuan. Inabutan nila ng beer si Justin at naglapag ng isang flavored beer sa tapat ko, pero agad kinuha ni Justin. Nailing ang mga kaibigan niya sa kaniya. "Napaka-istrict naman, baka ma-turn off siya niyan sa'yo," biro nila na nakapagpapula sa mukha ko. Nagsimula na naman sila sa panunukso sa amin. Nagtawanan sila at patuloy kinakantiyawan si Justin. Mabuti at naagaw ang pansin namin ng may magsalita sa stage. Tinuon namin ang atensyon namin sa kaniya habang nagsasalita siya, may hawak siyang papel na kodigo niya. Sa tingin ko siya ang pinsan ni Tessa. May pumuwesto na din sa keyboard, bass at drums. "Happy birthday, cousin. I wish you all the best," bati ng pinsan niya na nakapuwesto sa mic stand. Tinaas pa nito ang bote ng beer na hawak niya saka tinungga. Sunod no'n ay nagpatugtog na din ang mga kasama niya. Napangiti ako ng magsimula siyang kumanta. Ang ganda ng boses. He's singing Lips of an angel by Hinder. "Ang ganda ng boses," sabi ko kay Tessa. Tumawa siya ng malakas kasabay ng iba pa nilang mga kaibigan. Ano naman kaya ang nakakatawa? Hindi ko na lang sila pinansin, tinuon ko ang tingin ko sa harap. Na-miss ko lalo ang banda dahil sa kanta. "Doon na muna kami." Turo ni Raymond sa kabilang mesa. Tumatawa pa din sila sabay lipat ang tingin sa akin at kay Justin. Ang seryoso ng mukha ni Justin, salubong ang kaniyang kilay habang ang isang kamay ay mahigpit na hawak ang bote ng beer. Ako naman ngayon ang tumitig sa kaniya. Naisip ko na itanong sa kaniya ang tanong na kanina pa bumabagabag sa isip ko. "Bakit pala hindi 'yong girlfriend mo ang sinama mo dito?" diretsong tanong ko sa kaniya. Kumunot ang kaniyang noo at mas lalong nagsalubong ang kaniyang kilay. "I don't have a girlfriend," sagot niya. Gusto ko siyang ikutan ng mata dahil sa sinabi niya. "Kawawa naman ang girlfriend mo dahil dine-deny mo siya." Kinuha ko ang beer na nasa tapat niya. May pag-protesta niya akong tinignan kaya naman tinaasan ko siya ng kilay. Nailing siya ng uminom ako. "I don't have a girlfriend. I didn't have any," ulit niya habang diretso ang tingin sa akin. Deny pa. Sinungaling. Mapanuri ko siyang tinignan. Nakipagsukatan naman siya ng tingin sa akin. "Nakita ko gamit ang dalawang mata ko. Kasama mo siya kanina," sabi ko. "Wala nga akong girlfriend. Baka hindi ako ang sinasabi mong nakita mo," maang niyang sagot. Inikutan ko siya ng mata. "Sa parking lot ng palengke, may kasama kang babae na naka-black spaghetti strap blouse, short-shorts, white rubber shoes, pula ang buhok at saka naka-ah naka-make up. Nakayakap nga siya-" Hindi ko tinapos ang sinasabi ko. Bigla akong natauhan at nahiya. Hindi naman siguro niya naisip na pinipintasan ko ang babae. Tila iniisip niya ang sasabihin niya. Pagkatapos ay ngumisi, hanggang sa mahina siyang humalakhak. Tinaasan ko siya ng kilay. "She's not my girlfriend, she's just a friend." Just a friend daw. Okay. Ganoon pala siya sa mga friend niya pwedeng yumakap. Sabi na eh, sweet lang talaga siya sa mga babaeng friend. And I am one of his girl na friend. "Kahit itanong mo kina Tessa. Wala akong girlfriend. Pero may bukod tanging babae akong natitipuhan," aniya. Sino naman kaya ang babaeng natitipuhan niya? May gusto pala siya tapos mahilig dumikit-dikit sa mga babae. Sinama pa niya ako dito. "Hindi mo ba tatanungin kung sino ang babaeng gusto ko?" tanong niya. Umiling naman ako. "Bago lang ako dito, tiyak hindi ko kilala 'yon," sagot ko. Muli na naman siyang tumawa. Bipolar yata 'to. Kanina mukhang galit, ngayon naman tawa ng tawa. Inungusan ko siya dahil mukhang pinagti-tripan niya ako. Ngising-ngisi pa din siya at hindi matanggal-tanggal ang mariin na pagkakatitig niya sa akin. Kumunot ang noo ko. "Bakit ba ang hilig mong. . . manitig?" papahingang tanong ko sa kaniya. Umayos siya ng upo. Hindi pa din inaalis ang tingin sa akin. "Huwag mo nga akong titigan. Hindi ko komportable," sabi ko. Nag-iwas ako ng tingin. Tumingin ako sa bokalista na nasa stage. "Tsss." Dinig ko ang palatak ni Justin pero hindi ko siya pinansin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD