JUSTIN Mula dito sa labas ay dinig ko na ang mga ingay ng mga kaibigan na nagmumula sa loob ng condo. Mukhang kompleto na sila at nagsimula ng magkasiyahan. Dito na ako dumiretso pagkalabas ko ng trabaho. I wanted to relax and I am trying to avoid someone so I don't want to go home yet. Binuksan ko ang pinto at ng makita nila ako ay agad silang nagsipagtahimik. Wala silang imik habang pinagmamasdan ako. These assholes! I know they are up with something again. Umiling ako at diretsong naglakad papunta sa couch na kinaroroonan nila. "Kumusta ang lover boy?" biro nila nang makaupo ako. Hindi ko sila sinagot o tinapunan ng tingin. Agad kong pinulot ang alak na nasa center table saka sinalinan ang kopita. "So kailan mo kami babayaran?" tanong ni Joshua. Sinulyapan ko siya. May mapang