JUSTIN
Ilang buwan na din mula ng makita ko si Janina sa bar ni James. Naagaw niya agad ng pansin ko noon dahil sa angkin niyang ganda. Mula sa maamo niyang mukha hanggang sa perpektong hugis ng kaniyang katawan. At ang nakakapanghalina na boses.
Gusto kong marinig ang boses na iyon habang dumadaing sa matinding sensasyon ng pag-angkin ko sa kaniya. I smirked.
I really wanted to bed her that night. But it's so devastating that I miss that chance.
Ni malapitan siya ay hindi ko nagawa.
She wasn't doing anything at all but she can really turn me on. Bukod tangi siya. Lahat ng mga babae na naikama ko ay sila mismo ang nagbigay ng kanilang sarili sa akin. They want to taste me and I just want to release. I am a man with needs.
Kaya nakakatwa na tila ako isang lalakeng hayok sa laman pagdating kay Janina. I fantasize her.
At kung sinusuwerte nga naman dahil sila ang mga bagong lipat na kapit bahay namin. Hindi din naging mahirap na lumapit sa kanila dahil kilala pala sila ni daddy. Her decease father was my dad's friend.
Pero napansin ko na masyado siyang mailap, mahirap huliin ang kaniyang tingin niya. Mukhang hindi uubra sa kaniya ang mga simpleng gesture lang na ginagawa ko sa mga babae sa Manila. Iyong tingin pa lang napapasunod na sila. Or iyong tipong makita pa lang nila ako halos maglaway na sila mapansin ko lang sila. Women are dying to taste me.
But, Janina is different. Hindi niya makuha ang mga tingin na pinupukol ko sa kaniya. Hindi naman siya mukhang inosente lalo na at lumaki siya sa siyudad at miyembro pa ng banda.
Naalala ko na naman ang hamon sa akin ng mga kaibigan ko ng gabing una ko siyang nakita.
"Hindi siya tatalaban ng karisma mo. She's different." 'Yan ang sinabi nila sa akin. Well, let's see.
Sa ilang buwan kong narito ay wala pa akong natipuahan ni isang babae.
She's lucky. Matitikman niya ako at mapapasakin din siya. Uunti-untiin kong lalapit sa kaniya hanggang sa siya na mismo ang magpakita ng motibo at mag-alok ng sarili niya sa akin.
Tumikhim si daddy upang maagaw ang pansin ko. Nakangisi na pala ako dahil sa naiisip ko. Am I day dreaming about her?
"Your grandpa called, and he is so furious. Tinatanong kung hanggang kailan mo balak magtago at takasan ang engagement mo," mahinahon na wika ni dad.
"I change my mind. Hindi na ako babalik sa Manila. I'll be staying here, dad," masigla kong sinabi. I am sure he'll be glad that I am staying with him here.
Hindi sumagot si daddy, tahimik lang siya habang mataman akong tinitignan. Alam kong binabasa niya ang nasa isip ko.
JANINA
"Naku, ate, talagang dito ka na naman nagkape sa labas. Talagang gusto mong makita si Kuya Justin, huh," pang-aasar na naman sa akin ni Jonna.
Hindi ko na lang siya pinansin. Wala na yata siyang ibang alam gawin kundi ang mang-asar.
Nakaupo na naman ako dito sa bangko sa labas ng bahay. Dahil mababa lang ang gate namin kitang-kita at tanaw ko ang bahay nina Justin na nasa ilang bahay lang ang pagitan sa bahay namin.
Masarap sa pakiramdam ang preskong hangin na tumatama sa aking balat. Dahil dito ay unti-unti kong na-a-appreciate ang probinsya.
" 'Di ba, sabi ni nanay maaga siyang pumapasok sa trabaho. Kaya malamang hindi siya ang dahilan kung bakit dito ako nagkakape ngayon. Kaniya-kaniyang trip lang 'yan, Jonna, walang pakialamanan. Okay?" Malapit na naman akong maasar sa kaniya.
"Sus! Si ate talaga, ang aga-aga pa ang sungit na." Tinutusok-tusok niya ang tagiliran ko gamit ang kaniyang daliri. Doon pa man din ang kiliti ko.
"Tama na," saway ko sa kaniya habang tumatawa at halos kapusin na ng hininga. Pero hindi niya ako sinunod.
"Jonna tama na, sabi eh." Mabuti at tumigil din siya dahil baka maihi na ako. Naluha pa ako sa kakatawa.
"Ate, si Kuya Justin," bulong niya.
Kilala na kita Jonna. Style mo talaga bulok.
Hindi ko siya pinansin, tinutok ko ang ang mata ko sa cellphone at habang nag-i-scroll sa sss wall ko. Tinitignan ko ang mga post ng mga kaibigan at mga ka-batch ko na mga nagsimula ng mag-apply ng mga trabaho. Nakakainggit. Nakaka-miss na talaga ang Manila.
Ako kaya?
"Ate, si Kuya Justin nga, papunta na dito," bulong ulit ni Jonna.
"Tigil-tigilan mo ako, Jonna, sinasabi ko sa'yo hindi kita isasama mag-shabu shabu sa unang sweldo ko." Pinukulan ko siya ng matalas na tingin.
Tuloy-tuloy siya sa pagkalabit sa braso ko kaya naman nag-angat na ako ng mukha at tumingin sa unahan.
Bigla akong napaayos ng upo. Na-concious ako sa itusra ko dahil bahagya pa akong nakabukaka. Nakita ko si Justin sa labas ng kanilang bahay.
Bagong ligo siya at nakasuot ng khaki shorts at gray vneck shirt na medyo fit. Defined ang malaki at magandang hubog ng kaniyang katawan.
Halatang alaga ang katawan sa gym. Yummy. Ang bango pa ng itsura niya. Fresh na fresh, maka-tulo laway at makalaglag ng panty. Shems!
Nanuyo ang lalamunan ko kaya naman napalunok ako ng sariling laway. Bahagya pa akong tumikhim.
Grabe, ang ganda naman ng view. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya. Bigla tuloy sumagi sa isip ko ang tanong na, may abs kaya siya?
Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi.
Nailing ako ng mabalik sa tamang wisyo.
What am I doing?
Tumikhim ako ng mapagtanto ko ang kagagahan na tumatakbo sa isipan ko.
Kailan pa ako naging ganito sa isang lalake?
Janina, priority mo ay ang magkaroon ng trabaho, mag-ipon para maiangat sa buhay ang pamilya mo. Paalala ng isip ko.
Tama. Tumango pa ako. Nang mapatingin ulit ako kay Justin ay napansin kong naglalakad na siya.
Diretso siyang naglakad at mukhang dito ang punta niya. Naalarma tuloy ako. Kagigising ko lang at wala pang hilamos. At lalapit pa talaga siya dito.
"Ate, may natuyong laway ka pa sa gilid ng labi," malakas na pagkakasabi ni Jonna.
Malapit na si Justin sa kinaroroonan namin kaya naman dali-dali na akong tumayo at naglakad papasok ng bahay. Nakakahiya naman kung ganito ang itsura kong humarap sa kaniya samantalang bagong ligo siya.
"Hi Jonna, bakit pumasok na agad ang ate mo?" Narinig ko pang tanong ni Justin.
"May muta kasi siya kuya, nakakahiya naman humarap sayo sa ganoon na itsura," sagot ng kapatid ko at nilakasan pa niya ang boses para marinig ko. Inaasar talaga ako ng batang 'yun.
Naku, Jonna ka! Kapatid ba talaga kita? Sa isip ko ay nahampas ko na siya. 'Di man lang ako binigyan ng kahihiyan.
Dali-dali akong nagpunta ng banyo para maghilamos sana. Napakuyumos ako ng kamay ng wala naman akong makita na muta o tuyong laway. Ang ayos nga ng itsura ko -- mukhang fresh pa din. Epekto ng mahabang tulog. Lakas maka-ganda.
PAGLABAS ko ng banyo ay papasok na din ng bahay si Jonna, nakabungisngis siya at nakatingin sa akin.
"Jonna, umamin ka nga, crush mo si Justin no?" tanong ko habang nakataas ang kilay.
Namula ang mukha niya kaya natawa ako. Umiling-iling siya at hindi agad nakasagot.
"Ang tanda na ni Kuya Justin para sa akin, no!" asik niya.
"Bakit ka deffensive?" Nginisihan ko siya. Ako naman ang mang-iinis sa'yo.
"Hindi ko nga siya gusto," depensa niya sa napipikon na tono.
"Talaga lang ha, eh bakit mo ako sinisiraan? Talagang sinabi mo pa sa kaniya na may muta ako?"
"Umamin ka na." Nginisihan ko siya.
"Aagawan ba naman kita, ate, ikaw ha. Selos."
Bumulanghit siya ng tawa, pulang-pula na ang mukha niya at mamatay-matay na sa pagtawa.
"Anong nakakatawa?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Uto-uto ka kasi ate, naniwala ka naman. Pero haharapin mo talaga si Kuya Justin na ganiyan ang itsuta mo? Nakita mo naman ang bango ni Kuya Justin tapos ikaw bagong gising. Mahiya ka naman. May bad breath ka pa." Grabe talaga magsalita.
"Tsk. Kapatid ba talaga kita?"
"Bakit ate? Magkamukha nga tayo eh, tinatanong pa ba yan?"
"Nanay, hindi mo pa din ba sinasabi ang totoo kay Jonna?" Tawag ko kay nanay.
"Ang alin anak?" sagot ni nanay at agad lumapit sa amin dito sa sala.
"Nasabi mo na ba kung sino ang tunay na magulang niya 'nay?" tanong ko naman kay nanay na nakakunot ang noo. Natigilan si Jonna.
"N-nay, totoo ba? Hindi mo talaga ako anak?" mangiyak-ngiyak na tanong niya kay nanay.
"Oo, tignan mo, kami ang magkamukha ni nanay," dagdag ko pa, l-in-apitan ko pa si nanay at niyakap patagilid.
"Kita mo magkamukha kami, ikaw sino kamukha mo, 'di ba wala?" pang-iinis ko sa kaniya.
Nagsimula ng pumalahaw ng iyak si Jonna kaya tumawa ako ng tumawa.
"Oh ano ka, naisahan din kita," sabi ko sa kaniya sabay labas dila.
Kumunot ang noo ko ng tumatawa na siya ulit. Ang bilis mag-iba ng mood. Lakas talaga ng trip ng kapatid ko.
"Akala ko ampon ako, ikaw ate, niloloko mo na naman ako. Hindi ko sasabihin sa'yo ang pinag-usapan namin ni Kuya Justin," banat niya.
"Wala akong pakialam," sagot ko dahil alam kong nag-i-imbento na naman siya.
"Talaga?" tanong niya. Tumango ako. "Talagang-talaga."
"May sinabi pa man din ako sa kaniya tungkol sa'yo." Namula ang pisngi ko at seryoso siyang tinitigan.
"A-Ano'ng sinabi mo?" Mukhang hindi siya nagbibiro. Nakakatakot pa man din ang kadaldalan ng batang 'to.
Ngumiti siya at nagtakip ng bibig gamit ang dalawang palad.
"Ano nga?" Naiinis na ako. Seryoso ko siyang tinignan saka humalukipkip. Alam na niya kapag ganito ang itsura ko.
"Sabi ko, ma-suwerte ang magiging boyfriend ni ate. NBSB 'yon."
"Jonna!"
"Huwag ka ng magalit. Tinutulungan nga kita eh. Sinabi ko pa nga na ligawan ka eh. Tutulungan ko siya."
Nasapo ko ang noo ko. Pahamak naman 'to. Baka mamaya kung ano na ang naisip ni Justin.
Baka mamaya sabihin na nilalakad ako ng kapatid ko sa kaniya or worse kung isipin niya na may kinalaman ako sa mga sinabi ng kapatid ko sa kaniya.
Hindi ako makahanap ng tamang salita dahil sa inis na naramdaman ko. Ilang beses ba niya akong ipapahiya sa araw na to.
"Jonna, bakit mo naman ginawa 'yon?" Singit ng nanay.
"Ang alin, 'nay?" Maang naman na tanong ng kapatid ko. Bumuntong hininga ako at pabagsak na umupo sa kawayan na upuan kahit pa matigas ito.
"Bakit mo naman sinabihan si Justin ng gano'n? Hindi maganda ang ginawa mo, anak."
"Babae ang ate mo. Babae ka din, dapat matuto kayong kumilos ng tama. Hindi babae ang unang nagpapakita ng motibo," pangaral ni nanay. Tama siya.
"Eh bakit naman, 'nay, 'di ba po nasa tamang edad na si ate. Puwede na nga po siyang mag boyfriend eh, kaya tinutulungan ko siyang makahanap ng boyfriend."
Napasapo na lang din ni nanay ang noo niya.
"Hindi porket nasa tamang edad ay puwede mo ng sabihin sa isang lalake na may gusto ka lalo kung babae ka."
Pangaral ni nanay, tumango si Jonna at natahimik.
"At saka hindi ko crush si Justin, okay?"
"Sige ate, nanay, puntahan ko po si Kuya Justin at sabihin ko hindi pa pala puwedeng magpaligaw si ate."
Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha.
"Jonna!" babala ko sa kaniya.
"Hindi mo na mababawi ang nasabi mo, next time huwag basta-basta nagkukwento sa ibang tao okay?"
Tango lang ang sagot ni Jonna.
Nakakahiya! Ano na lang kaya ang iniisip ni Justin sa mga sinabi ng kapatid ko.
Ngayon lang yata ako nakaramdam ng matinding hiya sa tanang buhay ko. Hindi ako nahihiya sa paglako-lako ng kahit ano sa palengke. Hindi ako nahihiya kahit pa sobrang luma ng suot kong damit at mapagkamalhan ng basahan.
Hiyang-hiya ako sa mga pinagsasabi ng kapatid ko kay Justin. Baka madami pa siyang nasabi do'n na kung ano-ano.
Paano pala kung iniisip ni Justin na may gusto ako sa kaniya dahil sa mga sinabi ng kapatid ko? Baka mamaya isipin nu'n na inutusan ko ang kapatid ko.
Napapailing na lang talaga ako sa hiya. Nakakahiya talaga.
Ngayon lang ako napahiya sa lalake sa buong buhay ko. At kay Justin pa talaga.
Bahala na nga. Iiwasan ko na lang talaga na magkita kami ni Justin. Baka isipin nu'n na nagpapansin ako sa kaniya.