JANINA
Mabigat ang ulo ko paggising ko bandang hapon. Pagkatapos matulog ay kakain, tapos matutulog na naman ulit.
Nakakapanibago ang ganitong buhay. Namimis ko ang nakakapagod na araw para magbanat ng buto at kumita ng pera.
Paglabas ko ng kuwarto ay hinahanda na ni nanay ang lulutuin niya para sa hapunan namin. Habang si Jonna naman ay nasa sala at busy sa panonood sa kaniyang celphone.
"Jonna, bumili ka nga muna sa tindahan ng margarine. Nakalimutan kong bumili kanina sa palengke," utos ni nanay kay Jonna. Umupo ako sa tabi niya sabay labas din ng celphone ko.
"Eh, 'nay, hindi pa po tapos itong pinapanood ko. Si ate na lang po utusan niyo," turo niya sa akin.
"Ikaw ang inutusan sa akin mo ipapasa, ayos ah," asik ko sa kaniya. Humikab pa ako at parang hinihila na naman ako ng antok. Parang gustong bawiin ng katawan ko ang mga puyat ko ng ilang mga taon.
"Sige na, ate," malambing na sabi sa akin ni Jonna.
"Ayaw ko, ang layo kaya ng tindahan." Umirap ako saka humalukipkip.
Magkaiba talaga kami ng batang 'to, may pagka-tamad siya. Kaya dapat talaga na magpayaman ako para maging maganda ang buhay naming tatlo.
Sakitin din siya kaya hindi siya dapat napapagod.
Kaso paano ko naman kaya mabibigay ang komportableng buhay sa kanila? I am stuck here. Nasa Manila ang magandang opportunity. Bumuntong hininga. I have been always a fighter at ngayon lang yata ako pinanghinaan ng ganito.
Wala akong nahanap na magandang trabaho sa pag-scroll ko sa internet kagabi.
Kapag office jobs ang hahanapin, ang lumalabas ay mga company na located sa Manila.
"Sige na, ate. Ikaw na lang ang bumili. Nandoon si Kuya Justin malapit sa tindahaan na bibilhan mo. Narinig ko kanina na usapan nila ng ilan sa mga kaibigan niya." Justin na naman?
"Ayaw ko," agaran kong sagot. Ano namang tingin niya sa akin? Papansin? Kailan pa ako naging papansin?
"Ang guwapo kaya niya ngayon. 'Di ba gusto mo siyang makita?" tila ineengganyo pa niya ako sa mga pinagsasabi niya. Umismid lang ako.
Gumawa na naman ng kuwento. Bumuntong hininga ako at hindi siya pinansin. Ilang minuto na ang nakalipas pero ayaw pa din niyang kumilos, mukhang wala talaga siyang plano na sumunod sa pinag-uutos ang ni nanay sa kaniya. Sumilip ako sa bintana.
Magdidilim na mamaya.
Okay, ako na nga lang ang bibili. Ako ang masipag na anak eh. Hindi talaga maaasahan ang batang 'to.
"Nay, nasaan po ang pambili?" tanong ko kay nanay.
Narinig ko ang hagikgik ni Jonna. Tuwang-tuwa, tiyak na iniisip niyang nauto niya ako. Hindi ko na lang siya pinansin. Tumayo na ako at nagsimulang humakbang pabalik ng kuwarto ko ng magsalita si Jonnaa.
"Saan ka pupunta, 'te? Akala ko ikaw na ang bibili?" tanong niya.
"Kaya nga, kaya magbibihis muna ako."
"Hindi na, mas okay 'yang suot mo para makita ni Kuya Justin ang perfect curves mo."
Mas malandi pa talaga sa akin 'tong kapatid ko. Sinuri ko ang itsura ko. Mula sa suot kong red sleeveless na fitted top at maiksi at puting maong shorts.
"Okay nga 'yang suot mo, ate, maganda ka kaya, ate. 'Di ba, sinabi din niya kahapon na maganda ka?"
Pinigilan kong mangiti sa sinabi ni Jonna. Naalala ko na naman ang sinabi ni Justin kahapon.
Sus! Inuuto ka na naman ng kapatid mo. Masyado mo namang dinibdib ang papuri sa'yo. Kahit naman sa Manila sinasabihan ka din naman ng ganoon noon ah. Kontra ng isip ko.
Pagkakuha ng pera na pambili ay naglakad na ako.
Nasa dalawang daang metro ang layo ng tindahan mula sa bahay. Malayo-layo ang lakaran. Nakakailang din maglakad dahil may mga taong nakatingin sa akin na tila sinusuri ako.
Nagyuko ako ng ulo. Binilisan ko pa ng bahagya ang paghakbang pero bahagyang natigilan nang matanaw ko sa 'di kalayuan ang kumpol ng mga tao na madadaanan ko, bago makarating sa tindahan.
Mukhang may okasyon dahil may nakapuwesto na videoke at mga mesa sa labas ng bahay. May mga pagkain at alak sa mga lamesa.
Na-concious tuloy ako sa aking itsura lalo na at ilan sa mga nakikita ko ay mga lalake at babae na halos kaedaran ko lang. Maingay at nagkakasiyahan. Nang mapansin akong parating ay bigla silang natahimik.
Ganito talaga kapag dayo ka lang sa isang lugar magmumukha kang celebrity. Binalik ko ang tingin sa baba saka muling naglakad ng mabilis.
Malalagpasan ko na sana ang grupo ng mga nagkakasiyahan ng parang narinig ko ang pagtawag pangalan ko.
Sino naman ang tatawag sa akin? Bagong lipat lang kami at imposibleng may nakakakilala na sa akin dito.
Kung tumingin ako baka mapahiya pa ako dahil hindi naman pala ang tinatawag. Baka kapangalan ko lang. Nailing ako.
"Janina," tawag ulit.
Kanina Jaki. ngayon naman Janina na. Parang pamilyar din ang boses ng tumatawag. Ang baritonong boses ni Justin!
Nag-angat ako ng mukha saka bumaling ng tingin sa gawi ng mga nagkakasiyahan.
Nakita ko si Justin na nakaupo kasama ng mga nagkakasiyahan at diretso siyang nakatingin sa akin. May mga kasama siyang mga lalake at may isang babae na nakadikit sa kaniya.
"Ikaw pala," wala sa sarili na saad ko. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang kawayan at batiin ng hi o magandang hapon. Tumango siya sa akin. Nakatuon ang tingin sa akin ng iba pa niyang mga kasama. Para akong nakasalang sa stage. Hindi para kumanta kundi para husgahan.
Hindi naman ako ganito sa Maynila. Iba talaga ang impact ni Justin. Lakas maka-intimidate.
"Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin.
"Bibili lang ako sa tindahan." Tinuro ko pa ang tindahan na may tatlong bahay ang pagitan mula rito. Tumango siya kaya agad na akong nagpatuloy sa paglalakad.
Nang pabalik na ako ay dire-diretso akong naglakad. Diretso din ang tingin ko sa daanan.
Nahihiya akong lumingon sa gawi ng grupo nina Justin. Kung may ibang daanan lang ay baka doon na ako naglakad kahit pa mapapalayo ako.
"Janina, join ka sa amin." Isa sa mga lalake na kasama ni Justin ang tumawag sa akin. Tumingin ako sa kanila. Gusto ko mang umiling o tumanggi pero isa sa mga kasama nilang babae ang marahang humila sa aking kamay hanggang sa makaupo sa isang bakanteng upuan sa tabi nila.
Nagpakilala sila isa-isa.
Apat silang mga lalake na mga kaibigan ni Justin. At lahat sila ay kasama ang mga girlfriend nila.
Palakaibigan sila at masayang kasama.
May mga ilan lang na mga babae mula sa kabilang mesa ang mga mukhang inggrata dahil panay-panay ang pag-irap nila sa akin. Wala naman akong ginagawang masama pero bakit gano'n sila makatingin sa akin?
Lalo na iyong babae na nakadikit kanina kay Justin. Akala ko pa naman girlfriend niya iyon. Hindi naman pala.
Akala siguro nila hindi ko din nakikita ang mga panunuya at matatalim na tingin nila sa akin. Hindi ko na lang sila sinubukang ngitian pa. Kung ayaw niyo sa akin, ayos lang.
Naglagay ng pagkain si Tessa sa harapan ko. Lahat na yata ng potahe ay nilagay niya sa plato ko.
Mukha ba akong malakas kumain?
Paano ko uubusin ang lahat ng 'to?
Mabagal akong kumain, tipid ang pagsubo na ginagawa ko dahil naiilang ako kay Justin na nakaupo sa tapat ko. Titig na titig na naman siya sa akin.
"Ayaw mo ba sa pagkain?" tanong niya kapagkuwan. Napansin siguro niya na hindi ko masyadong nababawasan ang pagkain ko.
Paano ko naman mauubos agad kung panay ang titig mo sa akin? Naiilang kaya ako.
"G-gusto ko, favorite ko nga ito eh," nauutal kong sagot saka ako nagsubo ulit ng pagkain.
"Paano kasi siya makakain ng maayos kung panay ang titig mo sa kaniya, Justin," puna ni tessa. Halos mabulunan ako sa kinakain ko dahil sa sinabi niya. Sinundan pa ng mahinang tawa ng mga kaibigan nila na nauwi sa pangangantiyaw.
Nag-init ang pisngi ko at pakiramdam ko parang kamatis na ito sa pagkapula. Nahiya ako at hindi makasabay sa biruan nila kaya naman tinuon ko na lang ang tingin ko sa plato na nasa harapan ko.
Nang makalahati ko ang pagkain ay sinabihan ako ni Tessa na huwag ko na daw piliting ubusin. Busog na busog na din talaga ako, mabuti at masarap naman ang mga handa lalo 'yong mga kakanin nila na specialty daw ng Bulacan.
"Kumakanta ka ba, Jaki?" tanong ni Tessa saka inabot ang songbook.
Tipid akong tumango.
Kunwari ay naghahanap pa ako ng kanta kahit na ilan sa mga numero ng paborito kong kinakanta sa videoke ay memoryado ko naman talaga.
Nang magsimula na ang kanta na napili ko ay naghiyawan sila sabay palakpakan. Magaan kong hinawakan ang mikropono saka pumikit upang mabawasan ang kaba ko dahil sa presensya ni Justin.
Ano bang nangyayari sa akin? Nadi-distract ako sa kaniya.
Kakaasar sa akin 'to ni Jonna eh. Ayan tuloy.
Isa akong bokalista at sanay na sanay ng kumanta sa harap ng mga tao pero ngayon kulang na lang manginig ang kamay at boses ko dahil sa kaba.
Bakit ba kasi ang hilig manitig ng Justin na 'to? Malapit ko nang maisip na gusto niya ako dahil sa ginagawa niyang 'yan.
Hoy, ayan ka na naman sa pagiging asyumera, sita ng isip ko.
Tumikhim ako bago simulang kumanta.
Naghiyawan ang mga kaibigan ni Justin na tila ba binubuyo kaming dalawa. Tipid akong ngumiti at pinilit na huwag ma-distract. Pati ba naman dito may nang-aasar din?
Napatingin ako kay Justin pero agad din akong nag-iwas. Tipid siyang nakangiti at bahagya pang nakataas ang isa niyang kilay. Shems! Ang guwapo.
Sa videoke machine na ulit ako tumingin at hindi na lumingon pa. Kahit memoryado ko ang kanta ay pinalabas ko na lang na binabasa ko ang bawat lyrics.
"Ang galing. Songer ka pala," biro sa akin ng mga lalake matapos akong kumanta. Tipid lang akong ngumiti. Medyo nakaramdam pa din ako ng hiya. Kung siguro naman palagi ko silang makikita dito at palagi akong kausapin, masasanay at magiging komportable din ako.
"Ano'ng iniinom mo, hard ba o flavored beer?" pinakita sa akin ang dalawang alcoholic drinks na meron sila.
Na-stuck na ako dito. Mabuti na lang at bukas pa kailangan ni nanay ang pinabili niya.
Hindi pa man din ako sanay umiinom. Nag-alangan akong sumagot at kunin ang beer na inaalok sa akin.
Aabutin ko na sana ang flavored beer ng tumayo si Justin at magsalita.
"Umuwi na tayo," aya niya habang nakatingin sa akin.
Ako ba? Hindi ko alam kung inaaya ba niya ako dahil maawtoridad na tono ang gamit niya. It's sounds like imperative for me. Tumayo na din ako at agad nagpaalam.
"Salamat ha, happy birthday ulit," wika ko sa may birthday.
"Ang aga pa kaya, dito muna kayo," pigil sa amin ni Tessa.
"Hayaan mo na lang si Justin kung gusto niyang umuwi." Nakangisi sila sa amin.
"Magkapit-bahay kami kaya isasabay ko na siya sa pag-uwi," wika ni Justin at sinimulan ng maglakad. Ngumiti ako at kumaway sa kanila bago sumunod kay Justin.
Mabagal siyang naglakad ng maabutan ko siya. Bahagya din niya akong nilingon.
"Mag-aapply ka na ba ng trabaho?" tanong niya.
"H-huh? Magpahinga muna ako ng isang linggo siguro. Baka hindi pa ako payagan ni nanay."
"Sabagay, you've work so hard the past years. Studying while working. It's kinda hard. You need to relax and take a rest."
Those accent. English speaking din ba sila sa supermarket. Base sa accent niya para bang mother tongue niya ang english. Kiniling ko ang aking ulo.
"Paano mo nalaman na naging working student ako?" tanong ko. Wala naman akong maalala na nai-kuwento ko ang buhay ko sa kaniya. At saka halos hindi din naman kami nag-usap kahapon.
Medyo tahimik nga siya kahapon. Mukha siyang snob. Kaso parang hindi naman dahil siya pa ang pumansin sa akin ngayon. Kinakausap din ako.
"S-sabi ni papa, nakuwento yata ng nanay mo," tugon niya.
"Ah... mahirap nga. Pagod at puyat ang kalaban pero nakaya naman awa ng Diyos." Ang drama ng sagot ko.
Natahimik ulit kami. Malapit na pala kami sa bahay nina Justin na maunang madadaanan bago ang bahay namin.
Parang ang bilis naman namin nakarating?
'Heh, lukaret ka. Ano'ng gusto mo ilang oras kayong maglakad? Bawal ang boys, pangarap muna bago boys saway ko sa sarili.
"Sige paano dito na ako," paalam ni Justin. Nginitian niya ako. Ang guwapo talaga. Bumilis lalo ang pintig ng puso ko dahil sa mga ngiting iyon.
"S-sige," utal kong sagot.
Tumalikod na ako at dali-daling naglakad hanggang sa bahay.
Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Ano'ng nangyayari sa akin at kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isip ko kapag nasa malapit si Justin?
Hindi maari 'to.
Pagpasok sa loob ng bahay ay bahagya akong sumandal sa may pinto. Pumikit ako at kinapa ang dibdib ko, ang bilis ng t***k ng puso ko. Ngayon ko lang 'to naramdaman sa tanang buhay ko. Hindi kaya...
Pagod ka lang, pangungumbinsi ko sa sarili ko. Tama, napagod lang ako kaya mabilis ang pintig neto.
"Nakita ko 'yun, ate."
Agad akong napamulat at binaba ang kamay kong nasa dibdib. Nakatingin sa akin ang kapatid ko habang may ngising mapang-asar sa kaniyang labi, nakahalukipkip pa siya.
"Ano na naman nakita mo?" masungit kong tanong.
"Kasama mo siyang naglakad. Yiiieh, anong feeling?" impit pa na tili at kilig na kilig.
"Nay, si Jonna. Ang dami ng alam ang bata-bata pa," sumbong ko kay nanay.
Jusko! Twelve years old lang siya pero mas madami pa yata siyang alam pagdating sa lalake kaysa sa akin.
Nakakainis na ang biro niya, dahil sa ginagawa niya parang pilit sumisiksik sa isip ko si Justin. Kulang na lang maging tulay o 'di kaya'y ilakad niya ako.
"Nay, si ate inlove na," buwelta naman niya.
"Anong alam mo sa love na yan, twelve years old ka pa lang, Jonna."
"Bakit hindi ba? May papikit-pikit ka pa tapos pahawak-hawak ka pa sa dibdib." Ginaya pa niya ang ginawa ko kanina, pumikit siya sabay lapat ng kamay sa kaniyang dibdib, kaya kahit naiinis ay natawa ako.
"Oh, kita mo, ate, inlove ka nga." Tinuro niya ako.
"Ang dami mo ng nalalaman. Pangarap muna, Jonna, bago humarot. Okay?" Tinapik ko siya sa balikat.
Sana lang makapagtapos muna siya ng pag-aaral bago siya makipag-boyfriend. Mukhang mapusok ang babaeng 'to.
Iyong tipong babae na kapag nagmahal ay todo-todo. Dapat magkaro'n siya ng kontrol sa sarili at baka mamaya'y mabuntis siya na hindi pa nakakapagtapos ng pag-aaral.
Sa Manila, kung saan kami tumira noon ay halos mapuno ng mga batang naglalro sa kalsada sa street namin.
Mga batang pinapabayaan lang na naglalaro do'n, ang mga magulang nila ay nasa edad kinse hanggang dise-siete. Mga maagang nabuntis at wala pang alam tungkol sa responsibilidad.
Parang normal na lang doon na kahit elementarya ay may mga girlfriend at biyfriend na.
Dinaig pa nila ako. 'Di pa nag-debut nakarating na sa langit, samantalang ako hindi pa nararanasan magka-boyfriend at mahalikan.