Amber’s POV “Get back here, Amber. Nandito na naman ba tayo?” tuluyan na niyang nahawakan ang aking kamay pero sa mga sandaling ito ay tuluyan na rin kaming nakalabas ng bar. Mabilis ko siyang binalingan ng atensyon. Galit na galit ko siyang tinginan mula sa kaniyang mga mata. Kapansin—pansin pa mula sa aking mga mata ay inis na emosyon mula rito. “Alam mo, nakababae ka na!” mabilis kong sambit. Matigas ang boses ko at alam kong ramdam na ramdam na rin niya ang inis mula sa aking boses. “Sabihin mo, saang parte kita nagalit? At nang maitama ko,” tanong nito sa akin. Really? Hindi pa talaga niya alam ang kasalanan niya? Anong klaseng tao ba siya? O sadyang nagmamalinis lang talaga siya?! “Sa tingin mo?” umangat pa ang aking kilay at hindi ko na hinintay pa ang magiging sagot niya sa