Amber's POV "Why aren't you moving, sweetie?" Rinig kong tanong ni Luke mula sa aking likuran. Hindi ko alam kung gagalaw pa ba ako o mananatili na lang na nakatayo na animo'y nakatirik na poste sa lupa. Umiling ako kasabay ang aking pagpikit. "Si- I mean, sweetie, kailangan pa ba nating sumayaw?" Nauutal kong tanong. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Ayaw kong mag-isip nang masama at mas lalong ayaw kong bigyan ng kahulugan ang bagay na nararamdaman ko ngayon sa aking likuran. "Bakit naman hindi, hmmm?" Malamig ang pagkakasambit niya sa katatagan na iyon. "Pero, k-kasi---" "Shhh, just dance, sweetie. Nakatingin sila sa atin kaya galingan mo. Hihigpitan ko pa ang pagkakayakap para mas halata nilang talagang sumasayaw tayo," muli nitong sambit kasabay