Luke’s POV “Masaya ka na ba sa ganiyan? Teka lang, bro—parang unti—unti na nga talagang kumukupas ang asim mo. Parang dati lang, kayang—kaya mo pa ang isang kindat lang pero ngayon, ZERO ka pa yata? Hindi ikaw ang kilalang ko. Ang kilala kong Luke ay iyong sa isang kindat lang ay kaya mo nang ikama, anyare bro?!” rinig kong wika ni Levi sa kabilang linya. Ni pansin na pansin ko ang pagmamayabang sa kaniyang boses. “Wala ka nang pakialam roon. Ang importante, sa akin na siya.” Mabilis kong sambit, na may halong pagmamayabang rin sa akin boses. Kahit papaano ay nalamangan ko na siya. Tangina nito! “Hindi basehan ang titulo sa relasyon, Luke. Baka nakalimutan mo ang motto natin?” sambit nito. Unti—unti na namang umiinit ang dugo ko sa sinabi niya. Hindi naman ako ganito dati. Dati ay w