Amber’s POV Hinarap ko ang salamin. Tiningnan ko ang repleksyon ko roon mula ulo hanggang paa at nang malaman ko kung saan ang kulang sa imahe ko ngayon. I wear a maong short and a white shirt. Simple lang ang dating ko kung titingnan. Ito lang naman ang kaya kong suotin, bar ang pupuntahan namin at base sa unang nakita ko sa mga taong nandoon ay makikitid ang kanilang suot na pang-ibaba at ang damit naman ay kulang na lang ng isang hablot ay makikita na pati ang kanilang kaluluwa. Hindi ko kayang suotin ang mga ganoong klaseng kasuotan kaya okay na ito. Siguro naman ay hindi na mahahalata ng nakakarami na isa lang akong janitor. I put a light lipstick on my lips. Hindi na ako nag—abala pang maglagay ng anumang eyeliner o kahit na anong palamuting pwedeng ilagay sa mukha. Sanay akong gan