CHARLIE "Miss Charlie, coffee," maikling turan ni Emma nang sumilip ito sa aking opisina. "Again?" takang tanong ko. "Oo raw." "Pang-apat na 'yan mula kanina, ah? Hindi naman kaya mag-palpitate 'yang boss mo?" biro ko. Mahina itong tumawa, "Sus! Sigurado ako nagpapansin lang 'yan. Bakit hindi ka na lang kaya lumipat sa opisina n'ya para hindi ka n'ya namimiss," asar nito sa akin. "Psst! Tumigil ka nga. Baka may makarinig sa 'yo, alam mo namang nagkalat sa paligid ang Marites and friends. Saka ikakasal na 'yong boss natin kaya tigilan mo na pag-iisip ng kung anu-ano," naiiling kong saway rito. "Ewan ko ba d'yan kay Sir Kaleb. No'ng naghahabol ka sa kaniya, grabe mangdeadma. Tapos ngayong ikakasal na s'ya, saka naman nagpapansin. Hindi kaya nabagok 'yan si Sir Kaleb no'ng bata?" tanon