HINDI PA MAN sumisisikat ang araw nang byumahe na paalis ng Villa Sebastian si Gabriel. Ito ay nang matapos niyang marinig sa mga tauhan na natagpuan na ng mga ito ang nag-iisa niyang anak na si Lucas sa isang bahagi ng probinsya ng Batangas. Maigi na lamang at nababalutan na ng mga high-tech na kagamitan ang buong mundo, kaya naman kaagad natunton si Lucas at Athena sa pamamagitan ng mga CCTV footage na nagkalat sa lugar na kanilang dinaanan. Makailang ulit niya na rin kasing sinubukang tawagan ang numero ng anak subalit patay ang cell phone nito, maging ang cell phone ng ni Athena. Hindi na niya mahihintay pang lumaki ang problema ni Lucas nang dahil sa mga susunod na hakbang na gagawin ni Gil laban sa anak. Mahal niya si Lucas. At kung hindi man ito gaanong nakikita at nauunawaan ng a