KAAGAD na itinakbo ni Gil si Athena sa pinakamalapit na hospital. Ganoon na lamang ang pagkabog ng kaniyang diddib nang makita niya ang mga dugong umaagos sa binti nito. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari ngunit batid nyang nasa delikadong kondisyon ang babae. Hindi niya nais na mayroong mangyaring masama dito. Mahal niya ito, mahal na mahal. Kung ano man ang mga ginagawa niya ay para lamang makasama ito. He is willing to do everything just to have her. Even if he has to lose everything and be someone that he was not him ever since. Hindi niya mapapatawad ang sarili sa oras na may mangyaring masama rito. Kaagad namang inasikaso ng maliit na hospital si Athena. Idiniretso ito sa emergency room at ilang nurse ang pumigil sa kaniyang sumunod sa loob. Napahilamos siya ng palad sa mukha