MATAPOS ang ilang oras sa bukid at pamimili ng kanilang mga kagamitan ay kaagad na bumalik si Lucas sa kubo kung saan iniwan niyang mag-isa si Athena. Hindi niya sana nais umalis sa tabi nito subalit kailangan, kaya naman pinilit niyang hindi magtagal sa pinuntahan pagkatapos ay kaagad na bumalik nang may dalang pasalubong para sa nobya. Namili na rin siya ng kanilang mga kakailanganing kagamitan para sa pang-araw-araw, tulad ng sabon, toothpaste at kung ano-ano pa. Ala sais na ng gabi nang tuluyan niyang marating ang bahay. “I'm home—are you okay?” Pag-aalala kaagad ang gumuhit sa kaniyang dibdib nang makitang minamasahe ng nobya ang magkabilang sintido nito habang nakaupo sa sahig na kawayan. Nasa harapan naman nito ay ang isang plato ng hiniwang mga mangga na mayroong bagong. Nais niya