HAPON pa lamang at tirik pa ang araw nang mag-aya si Gil ng inuman sa isang babaeng kamakailan lamang ay nakilala niya. Gaya ng mga ipinayo nito nang nagdaang gabi, hindi niya titigilan ni Athena. Marami pa siyang planong nakahanda para rito. Matapos ang nagdaang gabi na kasama niya ang babaeng kaharap ngayon at nakasiping ng isang gabi, dahil sa pagkawala sa sarili ng dahil sa nainom ay tinawagan niya itong muli upang makainuman at muling may makausap na tiyak siyang makakaintindi sa kaniya. “You seemed to like what we had done the other night.” Mahinang tumawa ang babaeng kaharap. Biro lamang iyon, ngunit para rito ay may halong katotohanan. Dahil nagustuhan siya nito pagdating sa kama. Napaligaya niya ito nang nagdaang isang gabi. “Kidding,” dugtong nito at nagsalin ng maiinom sa ba