GABI NA nang marating ni Lucas at Athena ang kanilang destinasyon. Masaya naman tinanggap sila ng pamilya ni Angelo bilang bisita. Pinatuloy sila nito sa isang bakanteng kubo na sapat lamang ang laki para sa kanilang dalawa. Masayang-masaya si Lucas at labis-labis ang pasasalamat sa dating kaibigan dahil kahit ilang taon na ang nakalipas ay naalala pa rin siya nito. Ilang minuto siyang nakipagkwentuhan dito ngunit si Angelo na ang nagsabing magpahinga na sila at bukas na lamang ituloy iyon. “Maraming salamat talaga, Angelo. I will never forget this.” Ngumiti siya sa kaharap na lalaki. “Ayos lang, Sir Lucas, ikaw pa,” tugon naman nito nang may ngiti rin sa labi. “Lucas na lang, para namang nagtatrabaho ka pa rin sa ‘min.” “O sige na nga, Lucas.” Tumawa ito at tinapik ang kaniyang balikat