HINDI NAGTAGAL ay napa-oo ni Athena ang nobyo sa biglaan nilang naisip na pagtatanan. Isang bagay na kanilang napagdesisyunang gawin upang takbuhan ang matinding problema na ang malalapit na tao mismo sa kanilang buhay ang may dulot. Kinagabihan din ay pinagplanunan nila ang gagawin. Naisipan ni Lucas na dalhin si Athena sa isang probinsya. Walang tiyak na destinasyon ngunit desidido na sila sa balak gawin. Ipinaubaya na lamang sa panginoon ang mga susunod na mangyayari. Nasa byahe na sila nang maalala ni Lucas ang isang dating kaibigan, si Angelo, isang dating hardinero sa mansion ng mga Sebastian at napakalapit sa lalaki, dahil halos magkasing edad lamang ang nga ito. Minsan nang narating ni Lucas ang probinsyang tinitirhan ni Angelo nang imbitahan ng hardinero si Lucas sa fiesta. Tiyak