Natigilan si Grant mula sa matamang pagbabantay at panunuod sa naalimpungatang si Meiryn nang tinawag nito ang pangalan ng best friend. Actually, mga thirty minutes na siyang naririto at kumakatok siya kanina, walang bumubukas. Hindi naman naka-lock ang pinto kaya pumasok siya, and as expected tulog na tulog pa ang mag-ama. Si Meiryn ay nakatulog na nga lang na nakaupo sa tabi ng binabantayang ama. Grabe ang tulog nito dahil na rin siguro sa ilang araw nang iniindang stress, pagod at puyat. He decided not to wake her up and just watched her asleep. Sleeping sound and beautifully. Kung binabantayan nito ang ama, siya naman ang magbabantay sa dalaga. And now, after almost half an hour of watching her, at maaalimpungatan ito, ibang pangalan ng lalaki ang lalabas mula sa bibig nito? He didn