Mariing itinuro niya ang pinto rito. “Leave, Grant. Leave!” Wala tuloy itong naging choice kundi ang tumayo na rin lamang. “Babalik ako, Mei. Umaasa akong magbabago pa ang desisyon mo at pag-iisipan mo nang maigi ang alok ko.” Sa sobrang inis niya’y halos hampasin na niya ito at nang tumalikod na’y itinulak niya ang likod nito paalis. “Walang dapat na pag-isipan dahil hinding-hindi ako magpapakasal sa ‘yo! Hinding-hindi! Umalis ka na!” "NASISIRAAN na ng ulo ang lalaking 'yon, Mei!" inis at galit na bulyaw ng kaibigan ni Meiryn na si Austin nang makapunta at makabisita na rin sa hospital. She didn't say anything. She didn't have to. Given nang masyado 'yon. Grant was really out of his mind and he had gone mad! "Walang kuwentang proposisyon 'yan! Tutulong na lang, hindi pa basta-basta