PAGKATAPOS ng reception ay pagod na pagod kami. Buti na lang sa Wright hotel lang din ginanap ang reception at nakapagpahinga agad kami sa penthouse. Nakay Lola si Mika. Lahat ng guest namin ay may accommodation sa hotel kaya bukas sabay-sabay kaming mag-aalmusal sa function room. Pagdating ng hapon lilipad kami papuntang Palawan para sa honeymoon. Iyon na ata ang pinaka nakaka pagod na araw sa buhay ko. Kaya pagtapos magpalit ng damit sumalampak na ko sa kama. Pareho lang kami ni Daxton kaya nakatulog kami ng gabing 'yon. Madaling araw na ko naalimpungatan dahil sa kamay niyang naglilibot na sa buong katawan ko. Hanggang sa nauwi na iyon sa mainit na pag-iisa namin. Mabilis akong nilagay sa likod ni Daxton sa likod ng makita at sinugod kami ng apat na reporter. Hindi namin inaasahan na