KABANATA 45

3019 Words

NALULUNGKOT ako dahil iiwan namin ang penthouse. Lilipat na kami sa malaking bahay na regalo sa amin ng parents ni Daxton. Nasa Cebu city pa rin naman kaya malapit lang sa hotel. Excited na nalulungkot. Ganoon ang eksaktong nararamdaman ko habang nagliligpit ng gamit namin. Naipadala na sa bagong bahay ang ibang gamit pero may naiwan pa rin. Nagpresinta na ko na tumulong sa pag-ayos dahil wala rin naman akong gagawin. Hanggang ngayon, pinipilit pa rin namin sila Lola na sumama sa amin pero ayaw pa din. Masaya sila at ayaw iwan ang bahay sa Liloan. Nalulungkot lang ako dahil matanda na sila at higit na mas kailangan nila ng kasama sa buhay. Kahit na mayroon ng kasama sila Lola doon na katulong nila at titingin sa kanila araw-araw. Iba pa rin kung nakikita ko sila mismo palagi at nakakasam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD