NAKAHINGA ako ng maluwag ng bumungad sa aking balita kinabukasan na lumabas na daw ang warrant of arrest at ngayon din aarestuhin si Macy. Kami lang ang nakakalam at hanggat maari kasi ay iniiwasang mag-leak ang info. Baka makatunog si Macy at biglang umalis. Natuptop ko ang bibig ng sabihin ni Daxton na nahuli na si Macy at mas dumami ang kaso dahil nahulihan ng drugs sa condo nito. Napaluha ako. Ngayon ko lang naranasan na masaya ako dahil may nakulong na tao. Masaya na sa wakas makakagalaw na kami ng maayos. Hindi ko na siya iisipin. P'wede na kaming lumabas at mamasyal. Hindi na ko mangangamba na baka mamaya may manakit sa aming mag-ina o isa sa miyembro ng aking pamilya. Dahil sa nangyari nitong linggo kaya na-postponed ang lakad namin palabas ng bansa. Lilipad kami pa-dubai dahil g