“Vinnea, wait!” sigaw ko habang nagmamadali ako sa paghabol kay Vinnea. Natuod na kasi si Fire sa kaniyang kinatatayuan at tila walang balak habulin ang babaeng mahal namin na sobrang nasasaktan ngayon dahil sa kagagawan namin. Yes, this is a rush engagement party. Plano na namin ito nina Daddy at Daddy Nathan nang mag-eighteen si Vinnea. Ngayon lang natuloy after three years of waiting. Forced engagement din ito sa totoo lang na siyang original plan ng mga magulang namin kapag tumapak siya ng disiotso. Gustong maging magbalae nina Daddy at Daddy Nathan. And of course business merging na rin na kadalasan ay nangyayari sa angkan namin. Ipagkasundo ang pwede ipagkasundo. Para mas lumago pa at hindi mapunta sa wala ang pinaghirapan ng bawat pamilya ng bawat henerasyon. Kung sino ang napipi