LETICIA VIDA HINDI ako nakurap sa loob ng ilang segundo. Pinakinggan ko ang malalalim n'yang hiningang umuugong sa buong sulok ng kuwarto. Napa-tulala ako sa kisame hanggang sa narinig ko na lang ang mahihinang pag-hilik ni Krugen. Dahan-dahan ko s'yang binalingan ng tingin dito sa tabi ko at nasilayan kong naka-pikit na ang kan'yang mga mata habang bahagyang naka-awang ang kan'yang mga labi. Naaamoy ko ang pinaghalong alingasaw ng alak at ginamit n'yang pabango. Bumangon ako sa pagkakahiga at tumayo naman sa harapan ni Krugen. Hindi ko s'ya puwedeng pabayaan na lang na ganito ang kalagayan n'ya. Huminga ako ng malalim bago ako lumuhod sa fur carpet. Pinadako ang aking mga kamay sa sintas ng leather shoes n'ya at nag dahan dahan pa rin ako para alisin sa pagkakasintas. Mukhang an