LETICIA VIDA ILANG segundo akong napa-tulala sa tauhan ni Krugen, parang nakalimutan kong huminga. “A-Anong... a-ano ang sabi mo? Dito ako titira?! Sa luma at abandunadong bahay na ‘to na parang nagmumukhang hunted house?!” malakas kong sigaw at isang beses n’ya akong tinanguan. Parang matutumba ako, dahan-dahan akong napa-atras at napa-tigil ako nang maramdaman kong napasandal ako sa gilid ng kotche. “H-Hindi ko kayang tumira sa ganitong lugar...” mahinang bulong ko sabay binalingan ko ng tingin ang lalake. “P-Please... sabihin mo sa ‘kin kung na saan ang asawa ko dahil kailangan namin mag-usap... Hindi ko alam kung paano ko s'ya makontak at kayo lang ang pag asa ko!” Pinilit kong lumakad ulit palapit sa kan’ya at tumigil sa kan’yang harapan. “P-Please... nakikiusap ako sa ‘yo...” Hin