Chapter- 11

2157 Words

“ALAMIN mo kung sino ang traydor sa loob ng mansiyon dahil napakaimposible na malaman ng mga Montemayor ang plano ko!” utos ni Marcus sa tauhan na nasa kabilang linya. “Copy, boss. Itatawag ko agad sa ’yo.” Lahat ng koneksiyon niya ay kanyang pakikilusin matagpuan lang ang kapatid. Hindi siya makapapayag na saktan na naman ng lalaking iyon si Cassandra. Ang dapat niyang gawin ay pansamantalang umuwi muna sa mansiyon ng kanyang lolo. Gusto niyang kausapin ito at kung kinakailangan, pati ang mga koneksiyon nito ay gagamitin niya. “Problem?” agad na tanong ng abuelo sa kanya. “Nawawala ang kapatid ko.” “O, akala ko ba nagpakasal na sila ng kaibigan mong si Janus?” “Tama po na ikinasal si Cassandra ngunit hindi sa best friend ko kundi sa ex-husband niyang si JM Montemayor. Itinakas din n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD