"ANG ganda-ganda dito, Mama!" Kakaibang ligaya ang dulot kay Ninia ng napakagandang tanawin na namamalas niya kahit nasa veranda lamang sila ng bahay ng mga magulang sa Siargao. Hamak na mas malaki at mas magara iyon kumpara sa bahay ng mga ito sa Maynila pero hindi naman iyon ang nagustuhan niya sa lugar. Napahanga siya sa asul na asul na tubig dagat na tanaw na tanaw mula sa malaking veranda na nasa ibabang bahagi ng mansyon. Kagaya ng bahay sa Maynila ay wala ring gate ang kinaroroonan nila ngayon. Bagkus ay mga puno ng nagtatayugang niyog ang nagsisilbing pathway ng bahay na nakadiretso sa dalampasigan. Kahit siguro katanghaliang tapat ka pumunta sa dagat ay hindi ka mabibilad dahil nakalilim ang daan dala ng nagsasalimbayang dahon ng puno. It was perfect. Parang nakita niya ang pict

