"MASAYA ako para sa 'yo, Ninia. Unang kita ko pa lang kay Alexis ay alam at ramdam ko na kung gaano ka niya kamahal. Sabi ko noon sa sarili ko, siguradong hindi ako mananalo sa kanya. Mayaman siya at mahirap lang ako. Gwapo at pangit lang ako. Pero hindi pala dapat 'yon ang nakita ko. Mas dapat palang nakita ko na mahal na mahal mo siya. Sa klase ng pagpapalitan n'yo noon ng tingin, na-realize ko na kailangan kong tanggapin na si Alexis talaga ang mahal mo kahit pansamantala, e, nakalimutan mo siya." Punung-puno ng sinseridad ang tono ni Brix. Ramdam na ramdam niya na bilang kapatid ay maligayang-maligaya ito para sa engagement nila ni Alexis. Alam niyang tanggap na nito ng buong-buo na magkapatid sila. Busy sa kwentuhan ang mga magulang nila at si Alexis habang siya ay nakangiti lamang ha

