MAKALIPAS ANG ISANG BUWAN "AKALA namin ay hindi mo na kami dadalawin, hija. Gusto ko ng magtampo sa 'yo kung hindi lang sinabi nitong si Alexis na abala ka sa mga bagong pangyayari sa buhay mo ngayon." Gusto niyang maiyak sa sobrang warm ng pagtanggap sa kanya ng mag-asawang Villarubin nang dalhin siya ni Alexis sa bahay ng mga ito. Matagal man siyang hindi nakapunta sa mansyon ay hindi nagbago ang pagiging malapit nila ni Mrs. Villarubin sa isa't isa. At isa pa sa ikinatutuwa niya, si Governor Villarubin ay magaling na rin. Malaki na ang improvement nito buhat sa pagkaka-stroke at kung hindi titingnang mabuti ay hindi mahahalata na ilang buwan itong naratay sa wheelchair. Tuwid na rin itong magsalita at hindi na nakangiwi kaya bumalik ng muli ang kakisigan ng dating Gobernador. "Pasens

