MAAGA pa lang ay nakagayak na silang lahat para pumunta sa bahay ng kanyang Mama at Papa kasama ang kanyang Mommy at Daddy. Ngayon ang araw na maghaharap ang mga ito at naturalmente ay kasama sila ni Alexis. Excitement ang nararamdaman niya para sa pagkikitang ito ng kung tutuusin ay dalawang pamilya niya, pero ang kanyang Mommy ay nerbiyos ang ipinapakita sa mga kilos nito magmula pa kaninang magising. "Mom, hindi n'yo ho kailangang mag-panic ng ganyan. Mababait ho ang Mama at Papa." Niyakap niya ang ina para kalamayin ang loob nito. Minabuti na rin niyang makaharap nito sina Gustavo at Carmelita nang tuluyan ng mapanatag ang loob nito. Gusto niyang marinig mismo sa bibig ng tunay niyang ina na walang balak ang mga ito na ilayo siya. "Pasensiya ka na, anak. Huwag mo na lang akong pans

