SA gitna ng pag-uusap nila ng mga magulang ng binata, umungol ito mula sa kinahihigaang hospital bed. Nagmamadaling napahangos ang mag-asawa sa kama ng anak. Maging siya ay napatakbo doon. Lihim siyang umusal ng pansariling panalangin na sana ay magkamalay na nga si Travis nang sa gayon ay maituro na nito sa kanya kung nasaan si Ninia. Pero nanlumo lang siya nang matapos nitong umungol ay manatiling walang malay. "Hindi Namin alam kung ano ang plano ni Travis, hijo. Pero sana ay huwag mong isisi sa kanya kung hanggang ngayon ay hindi mo pa nakikita ang nobya mo. Kapatid niya si Ninia at sigurado akong hindi niya gugustuhing mapahamak ito," ani ng ama ni Travis. Napahugot siya ng malalim na hininga habang nakatayo pa rin sila sa gilid ng kama ni Travis na nananatiling walang malay. Tining

